Movie Clip 42

246 19 0
                                    

Shin Pov

Nandito kami ngayon ni mark sa gilid ng kalsada, kanina pa kami naghihintay dito

“bakit ang tagal?, asan na ba yung susunduin mo?”
Tanong nya

“bakit ka pa kasi sumama-sama sa akin?, pwede ka namang umuwi kung gusto mo”
Suhesto ko pero niyakap nya ng mahigpit ang kanyang sarili at nagsalita

“hindi, dito lang ako, sasamahan kita”
Sabi nya at naramdaman ko na nag-init ang aking mukha kaya nilayo ko ang aking tingin sa kanya at tinignan na lang ang kalsada

Maya-maya lang ay may dalawang sasakyan ang magbabanggaan ng magsalita si mark

“magbabanggaan na sila, kailangan ko itong pigilan”
Sabi ni mark pero hinawakan ko lang ang kamay neto at sinabing
“wag kang makealam”
Sabi ko
“paanong hindi ako makikialam eh, may mamamatay sa aking harapan ngayon pag hindi ko ito pipigilan”
Sabi nya
“isa sa kanila ang aking susunduin, nakiki-usap ako, wag kang makealam”
Sabi ko at biglang nanlambot ang ekspresyon ng kanyang mukha at hinawi ang kanyang kamay.

nagbanggaan na nga ang dalawang sasakyan  at nilapitan ko ang sasakyan tyaka nilapitan ang isang lalake na nasa loob neto

Name: Roy Bernarde
Age: 34
Cause: CAR ACCIDENT
Time: 10:04 pm
Date: august 25

At biglang bumangon ang kaluluwa ng lalake at isinama ko sya sa dating bahay ko kung saan nandoon ang room of decision, at tahimik parin si mark na nakasunod sa aming dalawa

Nagpahuli ako ng lakad para makasabay ko si mark

“minsan kasi, hindi natin maipigilan ang pagkamatay ng mga tao, pag kaya mong pigilan dapat wag mo ng pakealaman, kasi may kapalit itong mas malaking disgracia”
Mahinang sabi ko sa kanya at napabuntong hininga na lang sya.

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon