Movie Clip 21

292 26 0
                                    

Sarah Pov

Birthday ko na pala ngayon august 15 na,kaya naisipan kong bumili ng cake at pumunta sa malapit na beach,hindi ko ba nasabi sa inyo na merong malapit na beach dito at ito ay isang sakayan lang, gusto kong ipagdiwang ang aking birthday doon, kasi mas nakakarelax ang alon ng karagatan at maganda pagmasdan ang asul na kulay neto.

Nandito na ako sa dalampasigan at buti na lang hindi malakas ang simoy ng hangin kaya nasindihan ko ang maliliit na kandila na nasa tuktok ng cake, tumingin ako sa malayo at pinagmasdan ang mga alon tyaka nagsalita.

"sana nandito ka ngayon inay, pero okey lang dalaga na anak mo, yan lang ang gusto kong sabihin at miss na miss na po kita"

Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang pumatak at tyaka pumikit

"sana may magandang mangyayari sa aking ngayon, kahit hindi ngayon pwedeng bukas o sa isang buwan, sana nga"

Bulong ko sa hangin at tyaka hinihipan ang kandila at tyaka dinamdam ang hangin na tumatama sa aking pisngi ng biglang.....

"ikaw na naman!?"

Tanong ng malalim na boses at pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko ang lalake na tumulong sa akin ng gabing iyon pero isa pa la syang kaluluwa kaya tumayo ako at nilapitan sya

"alam kong multo ka pero paano mo alam na nandito ako, sinusundan mo ba ako?"

Nag-uusisang sabi ko

"hindi kita sinusundan,ikaw kaya ang dahilan kong bakit bako nandito ngayon"

Sabi nya kaya napakunot ang aking noo

alam kong hindi ka ordinaryong multo

Bulong ko sa hangin tyaka napaisip, at biglang lumaki ang aking mata ng marealise ko ang lahat.

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon