Movie Clip 19

315 26 0
                                    

Mark Pov

Nakauwi nako at nagtungo agad ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig, ng bigla kong naalala si Mr. Grim Reaper

Ako matanda?? Tskkk...

Habang iniisip iyon ay hindi ko mapigilang mapangisi at napahagikhik narin sa kasungitan ng grim reaper na iyon.

Bakit kaya ang sungit non?
Hindi ko pa nalaman yung pangalan nya

Habang iniisip ang lalakeng yun ay merong biglang nagsalita

"mukhang masaya ka ngayon ah, master"
Sabi ni lolo ramon at tinignan ko sya

Tinuro ko ang aking sarili

"ako masaya??"
Tanong ko at tumango naman ang matanda

"sino naman po ang swerteng babaeng nagpapasaya sayo?"
Tanong nya

Pasensya na lolo pero hindi babae ang nagpapasaya sa akin

"ah wala.. Masaya lang ako kasi, wala lang"
Sabi ko at tyaka sya iniwan na nakangisi

Paglabas ko ng kusina ay nakita ko naman agad si Ray

"tito, pera mo nga dyan, pambili ko lang ng bagong cellphone nasira kasi kahapon yung iphone 11 ko eh.."
Sabi nya at nakapuppy eyes pa ang loko

Napaikot na lang ako ng aking mata at nilabas ang aking credit card

"yan!, ibalik mo din yan agad"
Sabi ko at kinuha nya ito tyaka lumabas na may malaking ngiti sa mukha

"master, iniispoil mo naman ang apo ko". Sabi ni lolo

"okey lang yan lolo, pano na kung nawala na ako diba?"
Sabi ko sa kanya

"master"
Mahina nyang sabi pero inunahan ko na sya

"labas muna ako lolo, magpapahangin lang ngayong gabi"
Sabi ko at kinuha ang aking jacket tyaka binuksan ang pinto

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon