Movie Clip 49

322 20 0
                                    

Mark Pov
Naisipan namin ni shin na mag-date ngayon para makalimutan namin ang tagpuan na nangyari at buti natanggap agad ni sarah na hindi sya ang mahal ko kundi si shin

"Oh ano na?!, Magkwekwento ka na lang dyan sa mga readers?, Hindi na tayo magdedate?"
Sarcastic na sabi ni shin sa akin, tss... Buti mahal ko'tong grim reaper na ito, kung hindi ginamitan ko na yan ng powers ko, kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa lips, smack lang naman mahirap na baka makita kami nila sarah at ray.

"Ikaw naman, tayo na"
Sabi ko at sabay kaming lumabas sa pintuan

.............

Maya-maya habang naglalakad kami at nagkwekwentuhan ay bigla naming nakita si madam X at nakangisi itong tumingin sa amin sabay tingin sa kamay naming magkaholding hands dahilan para mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni shin

"Hahha sadyang nakakatuwa ang tadhana, kayo pa talagang dalawa ang nagkatuluyan, well wala na akong magagawa, si Boss na ang gagalaw"
Nakangising sabi sa amin ni madam-X

"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong bigla ni shin

"Dahil sa hindi mo magawa ang iyong trabahong grim reaper ka ay ang boss mo na ang gagawa ng trabahong dapat natapos mo na noon pa"
Sabi nya kay shin at bigla akong kinabahan para kay sarah

Krriiinnnggg...

Biglang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking buksa at nakitang si ray ang tumatawag kaya sinagot ko agad, magsasalita na sana ako ng...

"Tito nasusunog ang library namin at si sarah nasa loob ng library!"
Malakas na sabi nya at dahil iyon sa nerbyus

"May nangyari ba?"
Tanong ni shin

"Nangyari na nga"
Nakangising sabi ni madam-X

Agad kong hinila si shin at pumasok sa malapit na pintuan at iniwan namin si madam-x at lumabas kami sa loob ng library na ngayon ay nasusunog

Nakita ko na nakahandusay si sarah at wala na itong malay sa gitna ng library at agad namang tinakbo ni shin si sarah para tignan.

Agad ko namang kinontrol ang apoy tyaka kinumpas ang aking kamay dahilan para mawala bigla ang malakas na apoy na kanina lang na nakapalibot sa library

Sakto naman na may bumberong dumating kaya naisipan na namin ni shin na umalis at isinama narin ang katawan ni sarah sa mansyon.

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon