Movie Clip 43

251 20 0
                                    

Shin Pov

Nakapasok na sa langit ang kaluluwa na aming sinundo ni Mark, at speaking kay Mark ay lumabas na ako sa Room of Decision at nakita syang nakatayo sa gilid at nakatingin lang sa kanyang paa na kanyang nilalaro

Nilapitan ko sya at tinapik

"Okey ka lang ba?, About pala kanina..."
Naputol ang aking sasabihin ng bigla nyang hinawakan ang aking kamay

"Okey lang,tara date tayo!"
Bigla nyang sabi na nagpagulat sa akin at hinila ako papunta sa pintuan ng Kwarto kaya napapikit ako, pagbukas ko ng aking mata ay nasa mall na kami kalalabas lang namin sa pintuan ng cr na nasa mall

Hila-hila nya parin ako kaya, hinila ko bigla ang aking kamay na nagpatigil kay mark

"Anong pinagsasabi mo?"
Nagtataka kong tanong kay mark habang nakatingin sa kanyang mata

Mark Pov

Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa aking isipan, ang alam ko lang ay gusto ko syang kasama, maka-date, nalilito ako pero gusto ko ang aking ginagawa

Kaya napangiti ako at hinawakan ulit ang kanyang kamay

"Hindi ko alam pero ramdam ko at gusto kitang makasama ngayong araw"
Nakangiti kong sabi at napatingin si shin sa aking kamay na nakahawak sa kanyang kamay tyaka sya tumingin sa akin at nakangiting tumango, hudyat na pumayag sya sa date na gusto ko

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon