Movie Clip 24

269 21 0
                                    


Sarah Pov
Pauwi na ako at guise what, sinamaan nya akong umuwi ni Mr. Goblin, ang pogi nya talaga, matangkad, maputi, baka may abs rin, at habang iniisip ko sya ay hindi ko mapigilang kiligan habang iniisip ko yung mga nangyayari sa amusement park kanina, ikwekwento ko na sana pero tinatamad si author kaya wag na lang

“kumusta ka at ang iyong ina this past years?”
Tanong nya sa aking likuran

“okey lang naman, namatay si inay noong mag seseven na ako”
Sabi ko

“pasensya sa nangyari sa nanay mo”
Sabi nya

“ano ka ba, okey lang iyon, hindi naman ikaw ang may kasalanan dun”
Sabi ko

“malapit na ba tayo?”
Tanong nya at kita ko naman na malapit na kami sa bahay na inuupahan ko

“dyan...malapit na tayo”
Sabi ko sa kanya

Ng makalapit na kami ay nakita ko na parang nilalabas ang mga gamit ko sa loob, kaya dali-dali akong tumakbo at nakita doon ang land lady na parang inuutusan ang mga kalalakihan na naglalabas ng mga gamit sa loob

“ano pong nangyayari maam?”
Nagtatakang tanong ko at humarap naman ito sa akin

“ano ka ba sarah,tatlong buwan ka ng hindi nakakapagbayad ng upa, eh...kung ganyan naman lagi ay mas mabuti pang palayasin na kita dito at maghanap ng ibang uupa”
Sabi nya

“diba po sinabi ko pong babayaran ko po  lahat ”
Sabi ko

“hanggang kailan??, anyways lumayas ka na dito kunin mo mga gamit dito at umalis na kayo!!!”
Sigaw nya, luluhod na sana ako ng hinawakan ni mr. goblin ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya

“hindi mo kailangang gawin yan, kunin mo na lang yung mga damit mo at mga importanteng gamit at doon ka na lang sa mansyon manirahan sa ngayon”
Sabi nya sa akin at wala akong nagawa kundi mapatango na lang sa kanyang sinabi.


Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon