Movie Clip 17

324 25 0
                                    

Shin Pov

"para po manong!, dito na po ako!"
Sabi ko at nagbayad tyaka lumabas

Nagtataka kayo kung saan ko nakuha yung pera ko no?

Well kaming mga grim reapers pag may masusundo kaming kaluluwa ay meron din kaming natatanggap na sahod galing sa itaas, na pwede naming gamitin pag nagpapanggap kaming mga tao pero pag walang pera pwede naming gamitin mga sumbrero namin para maglaho, maging invisible in short gustong takasan ang mga babayaran hahhaha

Naglakad-lakad ako at may nakita akong nagtitinda ng mga fishballs kaya nilapitan ko ito

"bente nga pong fishball manong"
Sabi ko tyaka ko kinuha ang basong may laman ng fishball at binigay ang aking bayad

Sinimulan kong maglakad ng biglang may kumalabit sa akin sa pamamagitang ng paghila nya sa aking damit kaya napatingin ako kung sino iyon at nakita ko ang isang madungis na batang namamalimos

"palimos po"
Sabi ng bata kaya lumuhod ako at binigay ang fishball na aking kinakain tyaka kinapa ang aking bulsa at eksaktong nakuha ko ang bente at binigay sa kanya

"pambili mo ng iyong inumin para dika mabilaukan"
Sabi ko at nakangiti itong umalis

"may puso din pala ang mga kagaya ninyo"
Sabi ng isang boses at medyo nainsulto ako dun kaya nilingon ko kung sino ang nagsabi nun at nagulat ako sa aking nakita.

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon