FINAL CHAPTER

677 29 5
                                    

Mark Pov
1 year later.....

Isang taon na ang nakalipas at tandang-tanda ko pa yung huling nangyari kay sarah na kung saan muntikan na syang mamatay dahil sa sunog na nangyari sa kanilang paaralan, nakapagtapos na sina ray at sarah sa kanilang pag-aaral at ngayon nga ay magkasintahan na ang dalawa.

Nakakatawa ngang isipin na pinaglaruan lang kami ng tadhana, sinong mag-aakala na ang grim reaper na syang kukuha sa kaluluwa ni sarah na syang goblins bride na dapat ay nakatakda sakin, at nakatakda ring huhugot ng aking espada ay sya pala ang makakatuluyan at aking mamahalin habang buhay.

Shin, yan ang pangalan ng grim reaper na aking minahal, at masasabi kong kaming dalawa ang patunay na sa pagmamahal ay walang pinipiling kasarian, at maslalong walang pinipiling uri, ang pagmamahal ay para sa lahat, kung ang langgam ay mahal ang ahas kahit mahirap mangyari ay dapat handa tayong tanggapin ito kasi sa pagmamahal dapat walang katanungang dapat na masagutan pa, alam kung may sarili kayong definition ng pagmamahal pero yan ang kahulugan ng pagmamahal sa akin.

Maya-maya lang ay pumasok si shin sa aming kwarto at lumapit sa akin

"Halika na kumain na tayo nakahanda na ang umagahan"
Sabi nya sa akin

Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa aming higaan at nilapitan sya tyaka sya niyakap at hinalikan, tumugon naman ito, ng naghiwalay na ang aming labi ay nagkangitian kaming dalawa

"Tayo na"
Nakangiti kong sabi at lumabas kami sa aming kwarto.

Oo, magkasama na kami ni shin sa iisang kwarto, at sa isang taon na iyon ay mas lumalim ang aming pagmamahalan sa isat-isa.

Sina ray at sarah naman ay magkahiwalay parin ng kwarto, aba! Dapat lang kasi hindi pa sila mag-asawa hahaha

Nagtungo kami sa kusina at nakita sina ray at sarah na kumakain na ng biglang nagsalita si shin

"Birthday mo na pala bukas sarah"
Nakangiting sabi ni shin

"Huh! Birthday mo!?"
Gulat na tanong ni ray kay sarah

"Matagal na kayong magkasintahan hindi mo parin alam kung kailan birthday ni sarah"
Sabi ko naman kay ray at binatukan ni sarah ang binata

"Kaya nga eh, tsk"
Sabi ni sarah pero nilambing naman ito ni ray

"Oh sya, tama nayan, kumain na tayo"
Sabi ni shin

"Dapat maghanda tayo bukas"
Sabi ko sa kanila at sumang-ayon sila sa aking plano

.............................

Natapos na kaming kumain at pumasok narin sina sarah at ray sa kompanya ko kasi doon sila nagtratrabaho, baka nakakalimutan ninyo matagal na akong nabubuhay sa mundong ito kaya naisipan kong magpatayo ng aking kompanya at ito naman ay lumago at isa na ito sa pinakamalaking kompanya sa buong pilipinas.

"Labas tayo, date"
Sabi ko kay shin

"Sige, pero dapat umuwi tayo bago mag-12 pm"
Suhesto nya kaya napakunot ang aling nuo

"Bakit naman?"
Tanong ko

"May trabaho ako sa oras na iyon"
Sabi nya, ah kaya pala...

"Sige, dapat maaga tayo ngayon para masulit natin ang date natin"
Nakangiti kong sabi

At sumang-ayon sya

.......................

Nandito kami ngayon sa loob ng sinihan at nanonood ng End Game

Pero sa di malamang dahilan ay parang nababagabag ang aking kalooban na parang may mangyayari hindi maganda

"Bakit?, Parang hindi ka mapakale dyan?, May problema ba?, Ayaw mo ba ang pinanonood natin?"
Nag-aalalang tanong ni shin, at mas lalo akong napapamahal sa kanya pag ganitong side ang pinapakita nya

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon