Movie Clip 4

856 54 4
                                    

Mark Pov

Nandito ako sa pinakataas na building dito sa City at kitang-kita ko ang mga magagandang ilaw na nanggagaling sa ibaba neto, and I can hear all kinds of sounds down there,merong mga nag-aaway na mag jowa, mga busina ng nga kotse, lahat ng mga sasakyan, may nagsisigawan, tp be precise naririnig ko pa mga utot nila at habang pinapakinggan kasabay ng aking pagmumuni-muni ay may tatlong salita ang syang umagaw ng aking atensyon

"tulungan nyo ako..."
Nahihiripang bigkas ng isang tao

As much as possible ay ayaw kong make-alam sa buhay ng mga tao.

Pero merong nag-uudyok sa akin na puntahan ito

Kaya bigla akong naglaho at napunta bigla sa gitna ng kalsada na kung saan iilan lang ang mga sasakyan na pumupunta dito.

At nakita ko ang isang ginang na nakahandusay sa gilid ng kalsada at duguan na ito

Naglakad ako palapit sa ginang at nakita kong nahihirapan syang tumingin sa akin, pinilit nyang itinaas ang kanyang kamay at sinabing

"tu... Tulungan mo.. Ako"
Nahihirapan nyang sabi

"pasensya na pero, ayokong makealam pag kamatayan na ang pinag-uusapan"
Mahinang sabi ko, at hindi ito nakapagsalita

Ng bigla nyang hinawakan ang kanyang tyan

"kung totoo man ang Diyos, sana kahit anak ko nalang ang iligtas nya kahit wag na ako, nagmamakaawa ako"
Nagsusumamo nyang sabi

Dahil sa kanyang sinabi ay pikit mata ko  nalang pinitik ang aking daliri at tyaka ako umalis sa lugar na iyon

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon