Movie Clip 20

323 27 0
                                    

Sarah Pov

Katatapos lang ang aking trabaho at yun ay ang maglinis ng mga cr sa hotel at heto ako ngayon nakatayo sa labas ng cr at tinitignan ang nga taong pumapasok neto, ang hirap kasing isipin na yung pinaghirapan mong linisin ay dudumihan lang ng ibang tao ang masaklap pa doon ay ang dali-dali lang nilang gawin iyon, kaya tumalikod na ako at hinawakan ang aking bag tyaka lumabas sa hotel.

Habang naglalakad ay napapaisip na lang ako na sana pinanganak na lang akong mayaman, sana hindi nalang namatay si inay, sana mayaman na lang ang napangasawa nya, at sana makahanap ako ng lalakeng gwapo na mayaman pa.

Pero habang napapaisip ay biglang may lumitaw na kaluluwa sa aking harapan, nagulat ako pero hindi ko iyon pinahalata pero nagakakamali ako, kasi nahalata ng multo na nakikita ko sya

"ikaw na yata ang tinatawag nilang Goblins Bride?"
Tanong nya, pagkalipas ng ilang minuto ay kinukulit nya parin ako at takot na takot na talaga ako, ng biglang naglaho sya at lumitaw bigla ulit sa aking harapan, kaya napasigaw na ako

"ahhhh, tama na!"
Sigaw ko

"aalis ka o ikaw ang mawawala"
Sabi ng isang boses at paglingon ko ay nakita ko ang isang matipuno at gwapong lalake.

"pasensya, aalis na ako!"
Sabi ng multo at agad na naglaho

Nagtaka naman ako pero paglingon ko sa lalake ay wala na ito sa aking likuran.

Sino ka?

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon