Movie Clip 28

251 25 0
                                    

Mark Pov

Nung nakita ko na naman si grim reaper ay hindi ko alam kong ano aking mararamdaman, kasi pwede nyang kunin agad ang kaluluwa ni sarah, pero hindi ko maintindihan bakit parang nangingibabaw ang saya sa aking kalooban ngayon na nakita ko ulit sya.

nabigla lang ako sa mga pinagsasabi ni ray na binebenta ko daw itong mansyon ko, pero gusto ko ng tumawa nung nagtaray na si mr. grim reaper dahil kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkaasar

“sige naman oh tito”
Pagmamakaawa ni ray sa akin, hindi sana ako papayag kasi delekado ang buhay ni sarah pag magsasama sila sa iisang bahay pero dahil sa aking nararamdaman ay pumayag na ako, kasi gusto kong malaman kong ano nga ba itong nararamdaman ko

“pero sa isang kondisyon”
Sabi ko at nakita kong napataas ang kilay ni grim reaper

“ano pala pangalan mo?”
Tanong ko

“shin”
Sabi neto kaya napangiti ako

“yun lang?”
Takang tanong nya
At napatango lang ako

“okey, asan ang magiging kwarto ko?”
Tanong nya at sininyasan ko si ray na ituro ang kwarto ni shin

“this way madam”
Nakakalokong sabi ni ray pero nilapingos lang ni shin ang teynga neto at naglakad na sila papuntang kwarto nya.

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon