CHAPTER 5

152 3 0
                                    

Nandito kami naghihintay ngayon sa Airport, 3 pm pa sana yung flight namin kaso itong si Hadley mukhang excited, ginising ba naman kami ni Ate Hailey ng 10 am. Kaya eto kami ngayon, kanina pa nangangalay sa kakahintay.


"Ate, aren't you going to work? You're running late." ani ni Hadley habang hawak na hawak ang kanyang sunglasses.


"It's okay. Let me see you off. Don't cause trouble in there ha?" ani ni Ate Hailey habang tinatapik si Hadley sa ulo.


Ang cute nila lalo nat ang taas ni Hadley kaya nahihirapan siyang abutin yung ulo ng kanyang kapatid.


Napatigil kami nung inaannounce na yung eroplanong sasakyan namin. Isa isa kaming niyakap ni Ate Hailey na parang iiyak na.


"Zara take care of my little brother ha?" she said and kissed me in the cheeks.


"At ikaw naman Hadley, don't be such a troublemaker kung hindi, ibabalik kita dito."


We wave a goodbye with each other and then we enter the plane. Nag-agawan pa kami ni Hadley sa upuan malapit sa bintana, kailangan niya daw dun umupo dahil nasusuka siya pero syempre di ako nagpatalo, isusumbong ko siya sa Ate niya kapag di siya nagpaubaya kaya sa huli, ako na ngayon ang nakaupo sa bintana.



Lumipas ang tatlong oras nang nakarating din kami sa Manila. Nagpasundo kami kay  Daddy sa airport kaya di kami nahirapan sa mga bagahe namin. Dumiretso kami sa mansion ni Daddy dahil dun daw kami magdidinner.



Tatlumpo't walong minuto ang nakalipas ng makarating kami sa Mansion. Wala parin itong  pinagbago bukod sa mga kulay puti na ang linis parin. Masyadong malaki itong mansion para uwian ng dalawang tao lamang. Wala nang tumitira dito magmula nang mamatay si Mommy.



Memories keeps flashing back in my mind. I just shrugged and decided to enter the house habang si Hadley naman ay kanina pa nakatulala na parang hindi naniniwalang dito kami nakatira.


"WELCOME HOME!" agad na bungad samin ni Faye nang makapasok kami. May pa confetti pa siyang nalalaman ha.


Katabi niya ay si Daddy na nakasmile, mga katulong at si Eiddwen? Anong ginagawa niya dito?


"Uhm Faye, Eiddwen, meet Zara's bestfriend, Hadley. Hadley, meet Faye, Zara's cousin and Eiddwen, her friend."


Pagpapakilala ni Dad na may paturo turo pang nalalaman. Kelan pa naging friend yang Eiddwen na yan? Tss.


"Nice to meet you two." ani ni Hadley na mag sheshake hands sana kay Eiddwen pero tiningnan lang siya niyo kaya sa sobrang hiya, kay Faye nalang siya nakipagkamay.


"Siguro pagod kayo sa byahe kaya we prepared such dinner. Tara na kumain na tayo habang mainit pa." ani ni Dad at nauna nang lumakad papuntang kitchen.


Agad namang sumunod yung Eiddwen tsaka si Hadley. Naiwan kaming dalawa dito ni Faye na ngayon ay nakataas na ang kilay.


"Bakit di mo sinabi sakin na ang gwapo ng boybesfriend mo, ha?" tanong niya habang nakacross pa ang mga kamay.


"You didn't ask and besides, may kasalanan ka pa sakin, sinumbong moko and you didn't even bother to explain kaya quits lang." sagot ko at nauna nang tumungo sa kitchen.


Si Dad ang nakaupo sa gitna habang katabi niya naman ay si Eiddwen na kaharap si Hadley at si Faye na kaharap ko.


I can tell that they really put a lot of effort on the dishes. Marami ang hinanda nila kaya posibleng di namin to mauubos ng kami lang. Biglang nanindig ang balahibo ko ng makita ko ang shrimp. No, allergic ako.


Nag umpisa na kaming kumain. Tanging si Daddy, Hadley at Faye lang ang nagsasalita at nagkukwentuhan.


"Hadley, did your sister really agreed about your staying here? I mean about your study here. Baka nahihirapan ka niyan mag adjust?." ani ni Daddy.


"Okay lang, Tito. Besides, nandito naman si Zara kaya I have no worries." sagot ni Hadley atsaka ngumiti.


Hehe ang kyut niya talaga.


"Anong course kukunin mo, Hadley?" tanong naman ni Faye.


I can smell she's interested on him.


"Uhm I'd choose Civil Engineering for good." pasimpleng sagot niya.

"Ako din! Civil Engineering kukunin ko. We will be classmates!"


Agad namang tumango si Hadley at agad na tumingin sakin si Faye.


"Ikaw Zara? Anong kinuha mo?" tanong ni Faye.


Oh bat nasali ako sa usapan?


Sasagot na sana ako na Dentistry ang kukuhanin ko nang biglang nagsalita si Daddy.


"Business and Management. Yan ang course na kukunin ni Zara." ani ni Daddy na nakangiti parin.


Tumango na lamang ako bilang sagot. Wala naman na akong magagawa. Matagal ko nang pangarap na pumasok sa Dentistry Course pero mula nung bata ako, palaging pinapaalala ni Daddy na Manangement ang kukunin ko dahil pag dumating ang tamang panahon, ako na daw ang hahawak ng kompanya. Ridiculous, isn't it? I mean bat ko naman kukunin yon eh wala nga akong knowledge pagdating dun.



Napansin siguro ni Faye na tumahimik ulit ang paligid kaya nagsalita ulit siya.


"Eh ikaw Eiddwen? Anong course mo?"


Napatigil siya sa pag inom ng tubig at agad sumagot.


"Cardio. Cardiologist." sagot niya at bumalik ulit sa pagkain.


Agad naman silang tumango at bumalik
na din sa pagkain.


Lumipas ang ilang mga minuto nang matapos na din kaming kumain. Hinayaan nalang namin na ang mga katulong na ang bahalang maglinis kaya dumiretso ako sa sala at nagpahinga. Masyadong nakakapagod itong araw na to.


"Uhm Zara, I have an urgent meeting with the directors ngayon so si Faye at Eiddwen  na muna ang bahala sa inyo. Sila ang magtuturo sa magiging kwarto niyo dahil sa kanila ko pinahawak muna ang mansion habang wala ka." he said and then he left the house.


Nanatiling nakatayo si Faye at Hadley sa pintuan while waving their goodbyes to him.


Agad akong tumayo at kinuha ang maleta tsaka dali daling umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ko. Nang dumaan
ako sa hallway, di ko maiwasang mamangha. Yung mga paintings, family picture at ang mga medals ko ay nakasabit pa at malinis. Merong 4 na guestroom dito sa taas at sa 3rd floor naman ang master's bedroom at GYM AREA. Dalawang kwarto dito sa kanan at ganon din sa kabila.



Agad akong tumungo sa pinakahuling kwarto sa kanan at pumasok dito. Agad namang bumungad sa akin ang malaking kama na kulay puti at katabi non ay mataas na lamp na may nakasulat pang Zara. Sa kanang parte ay may couch at TV na sa ilalim non ay mga books and coloring books ko noon. Sa kaliwa naman ay may dalawang pinto na nakapangalang CR at sa pangalawa ay CLOSET.


Kulay puti parin ang pintura ng kwarto ko. Hihiga na sana ako sa kama nang may biglang kumatok.

Warm HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon