Ilang linggo na din ang lumipas at lahat ay
naghahanda para sa exam bukas. Nandito kami ngayon sa library ni Gummie dahil magrereview daw siya pero eto, ang himbing ng tulog.Nireview ko yung lesson namin last week. Medyo nahirapan akong intindihin yung sa Math pero mabuti nalang tinuturuan ako ni Hadley.
"Gummie, yung librarian." siniko ko siya at napaayos siya ng upo nang makita ang librarian.
Nakakatakot pa naman ang timpla ng mukha niya.
Umalis na kami ng library saka bumalik sa classroom. P.E namin ngayon kaya nagpalit kami ng P.E uniform.
Dumiretso na kami sa basketball court dahil basketball daw ang pag-aaralan namin ngayon.
"Good afternoon, students." ani ni Ma'am Veronica. Siya yung p.e teacher namin ngayon.
"So ang magtuturo sa inyo ngayon ay ang basketball representatives natin. They will teach you the basics." she explained.
Agad namang tumango ang mga kaklase ko pero napuno ng tilian ang court ng lumabas ang team nila Eiddwen.
"Hala sila magtuturo?"
"Ay parang gusto kong mag-pe nalang araw araw."
"Ang gwapo ni Eiddwen no?"
"Mas gwapo si Vince!"
"Basta ang gwapo nilang lahat."
Yan ang mga naririnig kong pinag-uusapan nila. Tss. Makaasta parang walang teacher na nagsasalita sa harapan ah.
"So sila ang magtuturo sa inyo but before that, group yourselves into 5." ani ni Ma'am.
Hiwalay kami ni Gummie ng grupo dahil group 3 siya at group 1 ako.
"So after the groupings, iaasign ko sa iba't ibang grupo kung sino ang magtuturo sa inyo."
After ni Ma'am mag-asign, nag umpisa nang magturo itong si Vince. Bale tatlo kami sa grupo nila Nina, Grace at Yna.
"So shall we start?" tanong nung Vince.
I must say, good looking nga itong Vince nato.
"Dun muna tayo sa field. Maingay dito sa court." ani niya kaya agad naman kaming sumunod.
Kaunti lang ang tao pagkarating namin sa field kaya di kami nahirapang magcommunicate.
"So I guess all of you knew about the basketball. Ituturo ko sainyo ngayon ang basics. Let's start with the dribble." ani niya saka siya nag dribble.
Napahanga niya ang groupmates ko. He knew how to dribble so well. Di na ako nagtaka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya.
"So who wants to try?" ani ni Vince.
"Ako!" taas kamay na sagot ni Grace.
She's also good at dribbling the ball. Sumunod si Nina at Yna. At ako yung pinakahuli. I dribble the ball with so much force.
Pagkatapos non, bumalik na kami sa basketball court kung nasaan silang lahat. By group daw yung performance task namin ngayon. Kami yung group 1 kaya kami ang nauna habang ang ibang grupo naman ay nakaupo lang sa gilid.
Eiddwen gave us 4 balls. Sabay kaming magdidribble ng 1 minute without making any mistakes. Mabuti nalang at natapos namin iyon ng walang mali so we got a perfect score in our performance.
Dumiretso na kami sa cafeteria ni Gummie pagkatapos non. Kumain lang kami ng kaunti saka na rin bumalik sa room.
Maagang natapos ang klase namin ngayong hapon kaya napagdesisyunan naming gumala at manood ng sine ni Gummie.

BINABASA MO ANG
Warm Hearts
عاطفيةZara Mallory Hishigata is a kind of woman who likes hurting herself physically and mentally. Wala lang sakanya nang mabalitaang may sakit siya but not until a cryptic man came to her notorious life. She changed in a sudden and she wanted to live lon...