CHAPTER 16

107 3 0
                                    

Umalis na kaming sementeryo matapos nilang mag-paalam dahil mukhang uulan. Sa kotse ni Ate Eivya ako sumakay at si Angelo kuno ay sa kotse niya. Pupunta kami ngayon sa isang restaurant para don mag lunch.


"I guess you two knew each other?" ani ni Ate Eivya na sa ngayon ay nagdadrive.


Di ba niya alam na doon yan sa bahay nakatira?


O baka naman inililihim to sakanya ng kapatid niya?


"Ah schoolmates po kami." yan nalang ang sagot ko.


Pinagpatuloy niya ang pag drive niya pagkatapos non. Walang  nagsasalita sa amin hanggang dumating kami sa restaurant.


Bumaba na ako at bumungad naman sa akin ang malaking restaurant. It looked luxurious. Pumasok na kami saka si Ate Eiv ang nagturo ng table namin dahil siya daw muna mag-oorder. Kasama niya ang manager I guess she knows the owner of this restaurant.



Nauna na akong tumungo sa table habang nakasunod lang sa akin si Eiddwen.
Umupo ako malapit sa bintana habang siya naman ay sa tapat ko. I didn't look at him.


"I didn't know you knew my sister." pag-uumpisa niya.


Di ko siya sinagot pero nakita kong natawa siya.


What's funny?


"You're sick." ani ko saka siya hinarap.


Ngumiti naman siya sakin.


"No I'm not." sagot niya.


Di ko na siya kinausap pagkatapos non dahil dumating na din si Ate Eivya at sa likod niya ay mga waiter na dala ang pagkain namin.


Whaaaat? Vegetableeees?!


May nakita akong shrimp kaya nanlumo ang lalamunan ko. I don't also like vegetables.


"Pakilagay nalang dito." ani ni Ate Eiv sa mga waiter, agad naman nilang isa isang pinatong.


Umupo si Ate Eiv sa tabi ng kapatid niya habang ako nakatulala kong alin ang kakainin ko.


"Bakit puro vegetables?" sabay na tanong namin ni Eiddwen.


Nagkatinginan kami pero agad akong umiwas.


"It's good for the health. Sige na kain na. Wag na magreklamo." ani ni Ate Eiv na ngayon ay kumukuha na nang chopsuy.


Argh! I hate vegetables!


Kumuha nalang ako ng lechon saka steak. Ayoko sa mga gulay. Tingin palang nakakapanlumo na.


"Oh yan lang ba kakainin mo?" tanong sa akin ni Ate Eiv.


Tumango naman ako saka kumain. Di na nagpumilit pang magtanong si Ate Eiv.
At nang matapos kaming kumain ay umalis na kami pabalik sa office ni Ate Eiv.


"Oh sige na dito lang ako ha. Marami pa akong pasyente eh." she said and then she kissed me in the cheeks.


Right! Saan naman ako sasakay ngayon?


"Eiddwen ihatid mo muna si Zara sa bahay nila. Sige na mauna na ako. Ingat kayo." ani niya saka pumasok ng hospital.


Right. It's getting awkward. Nanatili akong nakatalikod sakanya. I don't know what to do!


"Tatayo ka nalang ba dyan?" ani niya saka nauna nang sumakay ng kotse.


Papasok sana ako sa likod pero nakalock iyon. Tiningnan ko siya ng masama.


Warm HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon