CHAPTER 13

102 3 0
                                    


Umiwas ako nang tingin nang humarap sila sa amin. Agad namang lumakas ang hiyawan nila pati sa kabila.


"Zara! Siya yung sikat dito oh! Bat ka nakatalikod? Halika ka!" ani ni Gummie saka niya ako tinulak paharap.


There. That fucking devil who ruined my face. Our eyes met at once but I rolled my eyes to end it.


Nag-umpisa na ang laro. Matindi at mas lumalakas ang hiyawan dito sa court sa tuwing nakakashoot ang team namin.


"GOOO! DEL PRADOOOO! WHOO IKIKISS KITA MAMAYAAAA!" dinig kong sabi ng babae sa likod.


Chickboy huh? No wonder.


"GOOO! DEL PRADOOOOO PA HUUUG!" sabay na sigaw ni Gummie.


Agad ko naman siyang siniko dahilan para mapangiwi siya.


"Crush mo yan?" nandidiring tanong ko.


"Duh! Who wouldn't be? Almost every girl in this campus has a crush on him, well maybe except for you." ani niya saka tumawa.


Well for me okay naman siya, he's good looking to be honest but i prefer boys who has good attitude than this man who just wanted to play.


Ilang minuto nalang ang oras bago matapos itong game. Mas lamang kami sa kalaban namin so I presume we will absolutely win again.


Umupo nalang ako dahil nangangalay na ang mga tuhod ko. Itong si Gummie, panay ang sigaw. I checked the remaining time at 5 seconds nalang, mananalo na kami.


"FIVEEEEE!"


Sabay na sabay silang nagsisigawan.


"FOUUUUR!"


"THREE!"


"TWOOOO!"


"ONEEEEE WAAAAAAAH NANALOOO KAMIIIIII!"



Halos lahat nang tao dito ay nagtatalon sa saya dahil sa pagkanalo namin. Pagkatapos non, inaannounce na nang manager na pwede na makipag-picture sa players so ayun, parang nagka-zombie apocalypse na sa gitna ng court dahil sa maraming tao.



"Zara! Tara! Samahan moko! Magpapicture tayo!" ani ni Gummie saka niya ako hinila.


Muntik na akong mapatumba dahil don.


"Teka! Ayoko. Uuwi na ako. Madilim na." i retorted.


She's still having a dilemma whether uuwi kami or magpapapicture but in the end, umuwi kami which made me smile. Ayokong magpapicture. Ayoko sa devil nayon.



Lumabas na kami sa court at masyadong madilim na nga. I checked my phone if I have messages, whaaaaat?!



From: Faye

Zara, mauuna na kami ni Hadley umuwi marami pakong assignments eh. Sabay na daw kayo ni Eiddwen since may basketball daw sila.


Napasabunot  ako sa buhok ko nang mabasa ko ang text ni Faye. Argh! Pag minamalas ka nga naman!


"May problema ba?" tanong ni Gummie.


Naglalakad na kami palabas ng gate ngayon.


"Uhm Gums, mauna ka nalang, may hihintayin pa ako dito." sabi ko.


Naguguluhan man pero tumango na lamang siya. She kissed me in the cheeks and waved a goodbye.


"Sige ingat ka ha! Bye! Goodnight!" ani niya saka siya sumakay sa kahihintong bus. She waved a goodbye before the bus left.


Warm HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon