Nag-uumpisa na ang party pagkarating namin sa bahay. Maraming tao na ang gumagala sa labas, may mga familiar faces akong nakikita pero ang iba hindi ko nakikilala.
Dumiretso na kami sa likod ng bahay, pinaayos nga talaga nila ang pool. Wala ng gumagamit nito noon since it was dark here pero iba na sa ngayon, it was filled with yellow and blue lights. May mahabang mesa sa gilid ng pool na halos iba't ibang brand ng wine ang mga nakalagay. Nakita ko si Faye na may kinakausap sa pool, mamaya ko na lang ibibigay tong gift ko.
"I invited Vince and Gummie." ani ni Eiddwen na sa ngayon ay nandito na sa tabi ko. Walang siyang suot na tshirt pantaas so I find it awkward para harapin siya.
Mostly, people here are wearing bathing suit, ako nalang pala ang hindi.
"Bihis lang ako." ani ko saka na ako umalis at iniwan siya doon.
Tumungo ako sa kwarto ko saka magbibihis na sana when my phone vibrated. Binuksan ko ang message na iyon and it was Gummie.
From: Gums
Saan ka? Nandito na kami sa pool. Kararating lang. By the way, daming abs shet.
Natawa ako sa message niyang iyon. Kahit ako rin, inosente pa tong mga mata ko.
To: Gums
Magbibihis lang. Wait for me.
Nagbihis na ako pagkatapos non. I tried wearing the bikkini, it revealed my cleavage a bit pero okay lang naman. Sinuot ko na ang black cardigan and then I sprayed some perfume in my neck and in my body. Hinayaan kong nakabuhaghag lang ang buhok ko. Lumabas na ako pagkatapos non, some guys are smiling at me pero di ko iyon pinansin. Lumapit ako kila Faye na sa ngayon ay umuupo sa pabilog na mesa malapit sa pool.
"Zara! Omg why are you so hot?!" ani niya dahilan para mapalingon sila Vince at Eiddwen na nag-uusap.
Tumayo si Gummie na naka white bikini din saka ako pinaupo sa tabi niya. Kaharap namin yung dalawa.
"Nakikita mo yun, Zara?" she pointed at the dj na sumasayaw.
"Bakit?" tanong ko.
"Manliligaw ko yan noon. Jejemon pa eh, pero shocks! Ang gwapo na niya ngayon." sabi niya habang kumakain ng pasta.
Nagpaalam sila Vince na maliligo lang daw sa pool kaya kami nalang ang natira ni Gummie sa mesa. Habang tahimik kaming kumakain, may lumapit sa aming lalaki na di ko kilala pero niyaya niya si Gummie sumayaw, di naman tong si Gums magpapahuli since pogi daw kaya eto, iniwan niya akong mag-isa.
Tumayo ako at tumungo sa mahabang mesa. Kukuha sana ako ng wine nang mahagip ng mata ko ang beer katabi non. Kumuha ako ng isang can ng beer saka ininom iyon.
It taste bitter!

BINABASA MO ANG
Warm Hearts
RomanceZara Mallory Hishigata is a kind of woman who likes hurting herself physically and mentally. Wala lang sakanya nang mabalitaang may sakit siya but not until a cryptic man came to her notorious life. She changed in a sudden and she wanted to live lon...