CHAPTER 26

91 3 0
                                    

Nagising ako ng marinig na mag-ring ang phone ko. I checked the time, it was still 4 am in the morning. Sinagot ko iyon.




"Hello Zara?! Saan kana? Ayaw mo bang sumama ng field trip?"





Agad naman akong napabangon ng marinig ko ang field trip. Oo nga pala, ngayon na yon! I texted her to wait for me. Naligo muna ako kahit malamig and tubig, ready naman na ang mga gamit ko dahil niready ko na yun kagabi. Sinuot ko yung high waisted jeans ko and I partnered it with my peach croptop hoodie and i wore my black boots. Kinuha ko na ang backpack at cellphone ko, medyo mabigat pa yung bag ko pero keri naman. Lumabas na ako at bumaba, isang araw lang naman ako mawawala kaya sila Faye na bahala sa bahay.





Napatigil ako nang makitang presenteng nakaupo si Eiddwen sa sala, at sa tabi niya naman ay isang backpack rin, nakapeach hoodie din siya at jeans at black na tennis. Sasama siya?!




"Good morning, babe. Let's go." masayang bati niya.


Sinuot na niya yung bag niya at agad lumapit sa akin.



"Sasama ka rin?" tanong ko.



"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong naman niya pabalik. He looked tired. Wala ba siyang tulog?



"Hindi naman sa ganon. Bat di mo sinabi sa akin?" I asked him.



"I wanted to surprise you." he smiled. "Surprise!" ani niya saka niya tinaas ang dalawa niyang kamay.



Tss. Di ko nalang siya pinansin at lumabas na ng bahay. Pumara kami ng taxi at pumunta nang university.



Marami nang tao pagdating namin sa university. Sa gate raw kaming lahat magtitipon kaya dito na kami bumaba. Si Eiddwen na nagbayad, siya din naman
ang nagsabi.



"Naks! Naka couple jacket!" bungad ni Gummie sa amin nang makalapit kami.





Nginitian ko nalang siya, wala akong sa mood makipag-asaran sakanya. Hindi nagtagal, dumating na rin yung bus. Pumasok na kami sa loob. Pinili kong umupo malapit sa bintana, nilagay ko muna yung bagahe ko sa ilalim saka preskang umupo. Natigilan ako nang si Eiddwen ang tumabi sa akin at hindi si Gummie.




Tumayo ako at hinanap ko siya, nasa likuran sila, medyo malayo sa amin pero katabi niya si Keith. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti, tss. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo nang maramdamang umaandar na yung bus.



I snapped back to reality when my phone vibrated. It was Gummie.



From: Gums
Bat di mo sakin sinabing kayo na?  #sanaolmayjowadibazara



Pinatay ko kaagad ang cellphone ko. That's why she's teasing me earlier! Tiningnan ko ng masama si Eiddwen na ngayon ay nakaheadphone pa. Pinisil ko yung tagiliran niya dahilan para sumigaw siya sa sakit.



"Aray! Bat moko pinisil, Babe?!" tanong niya at ngayon ay nakahawak na sa tagiliran niya.



"Bakit mo sinabi sa kanila?" I asked him seriously.



"Anong sinabi ko?" nagmamaang-maangan niyang tanong.



"Na tayo na." I almost whispered dahil ayokong may makarinig sa amin.



Nakita kong tumawa siya at umayos ng upo.



"Tinanong nila ako kung sino yung girlfriend ko e, kaya ayun naging honest tuloy ako." ani niya saka ngumiti.




Warm HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon