Maaga akong pumasok dahil ngayon ang first semester examination namin. Nandito ako ngayon sa room, wala pa si Gummie kaya nagrereview muna ako. I'm a bit nervous since di sapat yung tulog ko kagabi. Pagkatapos kasi non, umalis sila Gummie na hindi man lang tumingin sa akin. I guess she's mad.
Pumasok na ang teacher at kasunod niya si Gummie. Di na kami makapag-usap since nag-start na sa exam.
Buong araw kaming puro exam lang, mabuti nalang at natapos din. Makakapagpahinga na ako ng maayos.
Nakatingin ako ngayon kay Gummie na kanina pa nagseselpon, kanina niya pa akong di kinakausap."Gums." I started pero lumingon lang siya sakin na may blankong ekspresyon saka bumalik sa pagseselpon.
Is she really that mad?
"Gums are you mad?" I asked at dun na niya ako hinarap.
"Bakit di mo sinabi sa akin? Di na ba ako mapagkakatiwalaan?" tanong niya.
Kami nalang ang natira dito sa classroom since pinahintay ko munang makalabas silang lahat so I can talk to her formally.
"Gums I don't want you to get the wrong idea." sagot ko.
"What?" ani niya habang nakakunot ang noo.
"He is just living with us. Kilala siya ni Daddy kaya dun siya pinatira sa bahay." pag-eexplain ko.
Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya.
"Bakit di mo sinabi sa akin? We promised not to keep secrets with each other diba?" ani niya.
Tumango nalang ako saka sumagot -" I'm sorry." yan nalang ang tangi kong sabi.
Niyakap niya ako pagkatapos non. Gummie is so nice to me. She does not deserve to be lied nor hurt.
Sabay kaming lumabas ng gate. Magpapasundo daw siya kay Vince since naiwan niya wallet niya sa bahay.
"Zara! You want to come with me? Gusto kang makilala ni Mommy! Magcecelebrate kami ngayon dahil tapos na ang exam. So ano, G?" excited na sabi niya.
Pero gumagabi na.
"Magpapaalam muna ako kay Faye." ani ko saka akmang kukuhanin ko sana ang cellphone ko ng wala akong makapa.
Damn! Iniwan ko sa bahay.
Hindi ako nagdadala ng cellphone everytime na may exam, that's why.
"Sino si Faye?" tanong niya.
"Ah pinsan ko. Kasama ko siya sa bahay." pagpapaliwanag ko.
"Saulo mo ba number niya?" tanong niya saka niya binigay sa akin ang phone niya.
Ang bobo ko. Di ko saulo!
"Hindi eh." sagot ko saka ko binigay sakanya pabalik ang cellphone niya.
"Edi kay Vince ka nalang magpatawag. I'm sure may number siya ni Eiddwen." ani niya.
Nakakahiya yoooon!
Tumango nalang ako at di nagtagal, sinundo kami ni Vince. Dito ako sa likod umupo at sa shot gun seat naman si Gummie.
Tahimik kaming bumyahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila Gummie. Malaki iyon pero hindi mo masabing mansion. Two storey yung bahay nila.

BINABASA MO ANG
Warm Hearts
RomanceZara Mallory Hishigata is a kind of woman who likes hurting herself physically and mentally. Wala lang sakanya nang mabalitaang may sakit siya but not until a cryptic man came to her notorious life. She changed in a sudden and she wanted to live lon...