CHAPTER 20

102 3 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong nangangalay na ang katawan ko. I apparently found myself lying on the floor.


Did I faint?


Agad akong tumayo saka pinagpagan ang sarili ko. I checked the time, it was already 3 pm. Wala na akong nararamdamang sakit kaya pinagpasyahan kong lumabas.



Let's act like nothing happened.



Nakita kong natutulog si Eiddwen sa sala at si  Hadley naman ay parang may tinatype sa laptop niya.


"Oh? Bagong gising?" bungad niya pagkababa ko.


"Oo eh." sagot ko nalang saka ako kumuha ng cereal at gatas sa ref.


Umupo ako sa harapan niya. Kumakain lang ako habang siya ay tahimik na nagtatype. He seems busy.


"Right I forgot to tell you, birthday bukas ni Faye kaya magpapahouse party siya dito. Okay lang ba sayo?" he asked.


Wala namang problema sa akin yun.


"Oo naman. Sino ba ako para pigilan siya." sagot ko.


"You are the owner of the house." he said.


"Dad trusted her more than me." i humbly answered.


Nakita kong lumungkot ang ekspresyon ni Hadley.


"Stop giving me that look." I chuckled.


Agad niya namang isinara yung laptop niya.


"Oh tapos ka na?" nagtatakang tanong ko at saka naman siyang tumango.


Inubos ko muna lahat ng pagkain ko saka ako sumunod sakanya hanggang sa labas. Kumuha siya ng hose saka nag-umpisang binyagan ang halaman. Aww, he liked plants too.



"Tulungan na kita." ani ko saka ko kinuha yung hose sa kabila.


We flowered the plants separately pero nung sa last na ay nabasa ko siya nang hindi ko sinasadya.


Revealing his abs that was now penetrating through his shirt.


"Sorry!" ani ko at akmang papatayin ko sana ang hose nang ako naman ngayon ang binabasa niya.


Nabasa tuloy yung t-shirt ko. Favorite ko pa naman tong oversized black nato.


"I didn't mean it!" pag-eexplain ko pero di niya ako tinigilan.


Binasa ko rin siya, akala niya ba magpapatalo rin ako.


"Stop it! You're wasting the water!" ani niya pero di ko siya pinakinggan.


Tinutok ko lang sakanya yung hose. He hide in the tree pero sinundan ko siya.


Nakakatawa lang dahil paara kaming bata na naghahabulan.


"Catch me if you can!" sigaw niya kaya sinundan ko siya hanggang sa parking lot.



Dun siya nagtago sa likod ng kotse kaya pinaulanan ko iyon ng tubig.


We are just laughing at our juvenile behavior.


Susundan ko na sana siya nang sumigaw si Eiddwen.


"Hoy kotse ko yan!" sigaw niya saka siya tumakbo sa kotse niya.


His face screams too much spleen.
Agad namang lumapit sa akin si Hadley.


Warm HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon