Naglalakad na ako palabas ng airport ngayon kasama ang dalawa pang seaman na katrabaho ko. Andito ako sa Amsterdam at pasampa na ng barko.
"oh Camyllah, kamusta na pala si Cap?" tanong ni kuya Jc, isa sa mga ka-work ko. "He's fine, sasampa na din next month" sagot ko at nilabas na ang phone ko para tawagan yung company.
"Yes, hello sir this is Camyllah Valdez from Magsaysay Agency in the Philippines. We're here at the airport in Amsterdam" sabi ko don sa sumagot sa opisina namin dito sa Amsterdam. Agad namang sumagot yung lalake sa linya at sinabihan kami na pumunta na sa opisina at mag-taxi nalang papunta doon. Binaba ko na yon at tinignan ang mga kasama ko na nilalamig na, ang isa don ay baguhan palang ata na OS kaya di pa ata alam ang mga dadalhin kasi naka manipis lang siya na sweater at sobrang lamig dito ngayon kaya halata kong nanginginig siya.
"hey, are you okay?" tanong ko doon sa baguhan. Napalingon siya sa akin at nagulat ata kasi kinausap ko na siya, ngayon ko palang kasi siya makakasama sa barko at kanina medyo nagmukha pa akong suplada kasi naman bago ako umalis binwesit ako ni kuya kaya ayon medyo mainit ulo ko plus ang tagal pa ng biyahe papunta dito ha! nakakangalay kaya sa pwet, hmp
"O-opo ma'am, medyo n-nilalamig lang po" sagot niya habang niyayakap ang sarili. Napatingin ako sa mga dala ko, isang backpack at isang maleta. Kinuha ko sa pagkakasabit sa balikat ko ang backpack ko at binuksan iyon, nakakita ako ng isang makapal na jacket na ibinigay sa akin ni kuya dati na panglalake. Kinuha ko iyon at iniabot sa kanya
"Here, wear this" tinignan muna niya iyon at parang tatanggi pa, "tanggapin mo na, namumutla ka na sa lamig" tsaka naman siya tumango at kinuha na iyon tsaka sinuot. "Sa susunod totoy, magdala ka ng makakapal na sweater at saka medyas ha. Mamaya sa barko kumatok ka lang sa cabin ko kung gusto mo ng medyas o jogging pants pag nilamig ka marami ako rito" bilin ni kuya Jc at saka naman tumango tango yung baguhan namin. "S-salamat po ma'am" tinignan ako nung baguhan namin. "Call me Camyllah or kahit ella nalang" nginitian ko siya para medyo gumaan naman loob niya sa akin at di na siya kabahan pag kausap niya ako, 10 months ko din makakasama sa barko toh ah.
"ahh ok po ella—"
"at pakitanggal nung po, 26 palang ako grabe siya!" pabiro ko siyang hinampas at saka naman siya tumawa. "Ok ella, ako nga pala si Carlito pero lito nalang" tumango nalang ako at saka sinabihan na si kuya JC na pumunta na kami sa opisina tumango naman siya at naglakad na papunta doon sa mga nakapilang taxi sa labas ng airport. Hiningi niya mga bags namin at saka naman silang dalawa ang nagbuhat non at nilagay sa likod ng kotse. Ako naman ay nauna na sa loob.
"ay katamad back to work nanaman" reklamo pa ni kuya JC nung nakasakay na kaming lahat sa taxi. "ay totoy, virgin ka pa ba?" nagulat si Lito sa tanong ni kuya JC at parang nahihiya pa na tumango. "Ay sos mahina ka pala, hayaan mo bibinyagan ka namin dito sa ibang bansa. Maraming mga babae dito ampuputi ng mga hita at ang lalaki ng suso tsaka magagaling pa sumaka—"
napatigil siya nung mapansing masama ang tingin ko sa kanya, napa-tsk nalang siya at saka bumalik sa pagkakasandal sa upuan. "Sabi ko nga masama yon eh" tsaka siya nagkunwaring may tinitignan sa labas.
"Ang pinaka-ayaw ko ay yung mga nambababae, mambabae kayo sa ibang barko pero pag kasama niyoko pigilan niyo sarili niyo at kung pwepwede hilain niyo pababa yang mga tite niyo para di tumayo kasi ayaw na ayaw ko sa mga pumapatol sa katawan ang puhunan o in short for sale, kuha niyo?" dirediretso kong sabi gamit ang mataray na boses at tinaasan pa sila ng kilay. Tumango tango nalang si Lito at nakita kong pasimple akong tinignan ni kuya Jc kaya nung nahuli ko siyang tinignan ako ngumuso niya at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko na. "Oo na master, sorry na" nag peace sign pa siya. "Eto naman di maka move on kay ex" pabiro siyang tumawa. Tinignan ko siya ng masama, "I'm just being professional here, kuya Jc" inirapan ko nalang siya. Narinig ko pa siyang bumulong pero di ko nalang siya pinansin.
BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...