Mark Garcia
Crush mo nga talaga ako😉
"Class dismissed.." tulala ako buong maghapon. Wala sa sarili, nakakainis kasi! wala na, sasabihin na talaga ni Mark na crush ko siya eh hindi naman talaga. Huminga ako ng malalim bago pinatay ang phone ko at tumayo na tsaka inayos ang mga gamit ko.
"Pssstt" di ko siya nilingon. "uy, ella" kinalabit niya ako pero di ko pa din siya nililingon.
"Uy bes! sorry na kas-"
"tsk!" agad kong kinuha yung kamay ko na hawak niya kanina at saka nagmadaling mag ayos ng gamit.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng classroom. Napansin kong may sumusunod sa akin kaya nilingon ko ito habang naglalakad. Napairap nalang ako ng mapagtanto kung sino ang nakasunod sa akin.
"aso ba ako?" mataray kong tanong sa kanya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko kasi nakita kong nanlaki ang mga mata niya, tinaasan ko siya ng kilay.
"U-uh mukha lang, pero di ka aso kasi tao ka" agad nag init ang ulo ko kumukulo ang dugo ko sa lalakeng toh!!!!!
Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya, nakatayo siya sa gilid ko kaya nilingon ko siya. Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis, agad kong sinuntok ang palad ko pinapaulit sa kanya ang sinabi niya kanina.
"mukha kang aso. Pero hindi ka aso tao ka eh, diba!" masaya pa siya na inulit niya ah.
Dahil sa kumukulo na nga ang dugo ko ay lumapit ako sa kanya ng kaunti at inambahan ng suntok, napailag siya don pero di niya alam kung saan siya na side pumunta ay doon ko pala siya masusuntok.
"Aray!! pukineng nanay ano ba yang kamay mo?! SI BATO BA YAN?!" nakahawak siya ngayon sa kanang braso niya na sinuntok ko. Buong lakas ko ata ay binuhos ko don sa sobrang inis dahil sa ginawa niya kanina sa canteen at sa pang bwebwesit sa akin ngayon, tinawag pa akong aso!!! sino bang matino ang hindi maiinis don?!
Tinignan niya ako ng masama habang nakatingin ako sa kanya ng masama, pasamaan kami ng tingin ngayon. "Hoy Camyllah Amphitrite Lao Valdez, bakit mo ako sinuntok?!" mukhang nanghahamon siya ngayon ng away at diretsong nakatingin sakin. "oh baket gusto mo isa pa?!" tinaas ko yung kanang kamay ko at akmang susuntukin siya pero agad niya akong pinigilan. "oh! oh! oh! tama na!" pigil niya pa
"masakit na eh" hinawakan niya yung braso niya tsaka in- exercise yon. Sinuntok suntok sa hangin, stretching at ano ano pa. Ako pa hinamon neto sa suntukan, tss
"huy!" kinalabit niya uli ako habang naglalakad. "Ano nga kasi, may pangalan ako!! CAMYLLAH!! hindi huy" pagtataray ko pa. "Kanina ka pa hoy ng hoy eh, nakakainis ka na"
"HOY HOY HOY" pinanlakihan ko siya ng mga mata, nakita kong medyo natatawa siya kaya tinaasan ko siya ng kilay tsaka huminga ng malalim.
Ohhhh lawd gezzuz help me!
"may regla ka ba ngayon?" natatawa niyang tanong. Agad akong napatingin sa paligid kung may nakarinig ba nung sinabi niya dahil medyo napalakas yon at mabuti naman na wala kasi nasa may gilid kami ng hallway naglalakad.
Nilingon ko siya ng masama nanaman ang tingin sa kanya, "ANO BA KAKAININ MO BA AKO?!" sigaw niya pa. Nakarinig ako ng tumatawa sa tapat kaya nilingon ko yon, mga students din na nakatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...