lumapit siya sa akin, 3 inches nalang ay magkakadikit na ang aming mga labi. Pumikit na ako sa pag-aakalang hahalikan niya ako nung bigla siyang magsalita.
"Wag.." Parang nanghina ako sa tono ng boses niya. Ang lalim pero nakakapanghina.
Omg!! Camyllah!! wag kang bibigay! wag kang papahalik! ANG LANDI MONG POGITA KA!
"Wag kang pumikit" dinig kong sabi niya kaya dahan dahan akong dumilat.
"ayan" ngumiti siya.
*Dugdugdugdugdug*
"ayan, wag ka pumikit kasi yung muta mo naiipit oh. Yuck, punasan mo nga yan!" tinuro niya yung mata ko sabay tawa ng malakas.
sumimangot ako at hinampas siya.
"Kuya ang FC mo ah!" inirapan ko siya at tumayo na tsaka sinenyasan siya na tumayo na rin.
"crush mo nga talaga ako noh" pang aasar pa niya, "yieee crush niya ako!" hinampas ko nalang yung kamay niya kasi tutusukin namaman niya ako sa tagiliran.
"alam mo men, kanina pa lang tayo magkakilala pero sobrang feeling close mo na"
"alam mo men, kanina pa lang tayo nagkakilala pero sobrang feeling close mo na" panggagaya niya pa gamit ang sobrang nakakaasar na mukha. "Arggghh!!" padabog kong isinira ang likod ng kotse tsaka pumasok na sa loob at umupo sa drivers seat.
"ganto lang kasi talaga ako, friendly" ngumisi siya. "Lalo na sa may crush sa akin" kinindatan niya ako, hindi ko ma explain kung ano yung dapat na nararamdaman ko ngayon. Kung kikiligin ba o maiinis.
Mainis ka! di ka dapat kiligin, nakamamatay!
grabe! kikiligin lang eh, patay agad?
Shempre pag kiligin ka, ma-fa-fall ka. Pag ma-fall ka, masasaktan ka. Pag masaktan ka, masisira buhay mo. Pag masira buhay mo, wala kang trabaho kasi hindi ka nga naka-graduate diba. Kaya titirik yang mata mo sa gutom pag ma-fall ka sa kahit kaninong lalake.
Kaya Camyllah Amphitrite Valdez, listen to me
BAWAL LUMANDI,
NAKAMAMATAY!
—grabe siya oh!
"see, uy pero hinay-hinay lang ha. Mahina kalaban yieeee BOOM!" napa hilamos nalang ako sa mukha ko. Lahat ba ng seaman kelangan may boom after nila mambara, mag ayieee o bumanat? o si kuya pati Mark lang yung ganon?
"Tara na nga" umiiling kong pinaandar yung kotse at nagmadaling mag drive pauwi
"Jesus! Slow down!" agad kong binagalan yung pagmamaneho ko kasi di ko namalayang lumilipad na pala yung kotse. Omg! baka magsumbong tong si Mark kay kuya na crush ko siya eh hindi naman talaga
"huy kuya, baka maniwala ka ha. Di kita crush" nakita ko siyang parang nagulat at nanlaki ang mga mata sa sinabi ko "weeehhh, ba't defensive?" pang aasar niya pa.
napa- hays nalang ako, "oo pogi ka pero di naman ibig sabihin non na crush kita—" napatakip ako sa bibig ko nung mapagtanto ko kung ano yung sinabi ko.
"u-uh w-what I mean is—"
"pogi pala ako, ha" nilingon ko siya. Gustuhin ko mang magsalita para ipagtanggol yung sarili ko, sasabihan naman niya akong defensive. Pag tumahimik naman ako, iisipin niya na totoo.
"alam ko naman yon hahaha" tumawa siya ng malakas, nilingon ko uli siya. Kinindatan niya ako kaya nag-act ako na nandiri sa ginawa niya.
"jusko lord susmareyosep santisima trinidad, tabang" nag sign of the cross pa ako at tumingin sa itaas.
buong biyahe kumakanta kanta pa siya ng crush ako ni Camyllah inuulit ulit niya pa yon. Di ko nalang siya pinansin.
"Tss.. FC si kuya mo ghorl" bulong ko sa sarili ko.
sa pagmamadali ko, di ko namalayan na nakarating na pala kami sa subdivision. Pagdaan namin sa guardhouse, nagulat ako nung pinapara nung guard yung kotse ko.
Nagpark ako sa gilid para kung may dadaan, hindi ako nakaharang.
"yes po?" binuksan ko yung bintana tsaka sumilip doon, lumapit naman yung guard sa akin.
"ma'am good morning ho, bahay niyo po yung nasa dulo? yung may nag-iinuman?" sa oras na yon medyo kinabahan na ako, feeling ko may masamang nangyari or may nagwala or basta may nangyari sa bahay.
"opo, bakit po?" narinig kong napa tsk yung guard tsaka napakamot sa ulo niya. Tinawag niya yung isang kasamahan niya at hiningi yung cellphone neto. Binigay naman sa kanya yon at tinapat sa akin yung phone.
Nagulat ako sa nakita ko, basag yung isang bintana ng kotse tapos si kuya binubuhat nila papasok ng bahay. Ang kalat din sa labas tsaka medyo maraming tao na nanonood.
"hala! ano nangyari?"
"Bakit?" lumapit si Mark sa akin kaya tinuro ko yung picture. Nanlaki yung mga mata niya nung makita yung picture na nasa screen. Agad niyang kinuha yung phone niya at napa-mura nung makitang ang daming missed calls sa kanya ni kuya pati nung mga tropa niya
"fuck we need to go home"
"ma'am pakisabi nalang po sa lalakeng yon na isa pang pang-gugulo niya tatawag na kami ng police, nagrereklamo na po kasi yung mga kapit-bahay niyo. Ang ingay kasi tapos nasa gitna pa ng kalsada" tumango nalang ako.
"Ok po, pasensya na po sa abala sir. Mauna na ho kami" um-ok naman yung guard tsaka ko naman pinaandar yung kotse at drinive yon pauwi sa bahay.
napa hampas ako sa manebela nung makita kong basag nga yung bintana ng Jeep Wrangler namin.
"shit" mura ko pa.
"boi, mahal yon boi" dinig kong nanghihinayang din si Mark.
Napailing nalang ako at pinara yung kotse kasunod doon sa Jeep Wrangler namin. Sa tapat kasi baka ma double parking kaya dito nalang sa tabi, sa may likod ng Jeep.
Dali-dali akong bumaba at patakbong pumasok ng bahay.
Nakita ko si kuya na nambabasag pa ng redhorse sa garahe namin, inaawat siya nung mga tropa niya. Nakita kong palabas na din sila mommy at daddy na naka pangtulog na, baka ginising sila ng mga katulong namin.
"tangina! ano boi! Nananahimik na nga ako dito tapos pupunta-punta siya dito, para ano? ipamukha nanaman sa akin na bobo ako! Ha? asan na yung boyfriend niya! Suntukan kami! Ano! mukha namang paa yon, mas pogi ako don boi diba?!" kwinelyuhan niya yung isang barkada niya. Agad akong lumapit sa kanya
"kuya tama na, lasing ka na" agad ko siyang hinila palayo don sa tropa niya na kwinelyuhan niya.
"ano ba! Don't touch me!" kumakalas pa siya sa hawak ko at dahil mas malakas siya sa akin nabitawan ko siya.
"pre, tama na pre" lumapit na si Mark sa amin. Nung nakita ni kuya si Mark, tumawa ito ng mahina.
"pre, alam mo ba. Dumating siya, kasama pa boyfriend niya. Yung mukhang paa. Utot niya! ULOL!" binaliktad niya yung mesa kaya nabasag yung mga plato tsaka bote ng alak na nakapatong doon kanina.
"pre, tama na. Matulog ka na" hinawakan ni Mark yung dalawang braso ni kuya kaya di na ito nakapalag.
"oh!! TANGINA MO AVELINA, DI LANG AKO NAGKATRABAHO AGAD PINAGPALIT MO NA AKO SA MUKHANG PAA NA SECOND MATE NA YON! ULOL MO!" sigaw pa ni kuya habang hinihila siya papasok ni Mark.
Kumunot ang noo ko, ano daw? Avelina?
"Avelina who?"

BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...