Chapter 12

3 1 0
                                    

"uy ano ba problema? bakit ayaw mo ba dito sa bahay namin?" kanina pa ako pinipigilan ni Mark. Nagpaalam kasi ako na maghahanap nalang ako ng hotel, mukhang ayaw kasi ako makasama ng ate niya at di din naman ako comfortable na kasama siya so hahanap nalang ako ng hotel, I have money naman





"nakakahiya kasi tsaka may pera naman ako. Don't worry I will be ok, ok?" lumabas ako ng kwarto niya at bumalik sa kwarto nila Ella at Ate Mae. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Ella, "uh.. ate Mae, ella hanap nalang po ako ng hotel naalala ko may gagawin pa pala ako eh baka makaistorbo hahaha.." pagsisinungaling ko pa. "ha? sigurado ka ate?" tanong ni Ella at bumangon sa pagkakahiga sa kama.





"sige, ingat" nag wave pa si ate Mae sa akin. Nginitian ko nalang siya, "bye Ella, see you around hahaha" tsaka ako nag wave sa kanila at sinirado na ang pinto.





"uy Camyllah, may nasabi ba mga kapatid ko sa'yo? uy!" hinawakan niya yung braso ko. "Shhh wag ka maingay"





"ano ba kasi problema? gusto mo kausapin ko si ate?"




"ano ka ba, hindi naman ate mo yung may problema eh hahaha may gagawin lang talaga ako na assignment tsaka maingay yon so baka makaistorbo ako sa kanila nakakahiya naman, hanap nalang ako ng hotel" palusot ko pa. Napakamot nalang si Mark sa ulo niya, "uy sige na kahit dito ka nalang sa kwarto ko doon nalang ako sa sala, nakakahiya sa'yo baka may masabi si Carlos tsaka si Cap sa akin" natawa nalang ako sa kanya, "wag mo alalahanin yung sasabihin ni papa at kuya sa'yo. Alalahanin mo yung sasabihin ng pamilya mo" nginitian ko siya.



"sige na hatid mo nalang ako sa pinakamalapit na hotel, kaya mo pa ba mag drive?" tanong ko "sure ka?" tinanguan ko nalang siya. "ehh... sige" tsaka siya nagaalinlangang tumayo at akmang kukunin na sana ang bag ko pero nilayo ko yon agad sa kanya. "no, kaya ko di naman mabigat" tumango nalang siya at nauna ng maglakad, di pa man kami nakakalabas sa kwarto niya at bigla siyang huminto


"oh, bakit?" tanong ko. "may pamalit ka ba?" tanong niya. Tinignan ko ang suot ko at naka uniform pa pala ako, "matutulog nalang ako na nakaganto, pwede naman yon tapos bukas bibili ako ng damit sa mall at uuwi na" nginitian ko siya. Umiling siya, "no, teka ihihiram kita ng damit kay ate" akmang lalabas na sana siya pero hinila ko yung t-shirt niya


"wag na, ok na ako" nginitian ko nalang siya. "uy nakakahiya Camyllah" umupo siya sa tabi ko. "di ba parang nakakahiya na pinapasok kita dito tapos aalis ka dahil sa mga kapatid ko pa nga ata eh" napahilamos siya. Umiling ako, "uy wala akong sinabing dahil sa mga kapatid mo ah, baka mamaya sabihin ng mga kapatid mo sinisiraan ko sila sa'yo" tsaka ko siya pabirong hinampas.


"oh siya, tara na. 12am na oh" tumawa ako ng mahina at tumayo na. Dahan dahan siyang tumayo, akala ko lalabas na siya ng kwarto pero pumunta siya sa maliit na closet at binuksan iyon. Kumuha siya ng yellow hoodie at black na shorts na panglalake.


"sorry yan lang maibibigay ko ha, ayaw mo kasi humiram ng damit kay ate eh" iniabot niya sa akin yung hoodie at shorts. Tinanggap ko nalang yon dahil ayoko naman na matulog ng naka uniform noh, "salamat"


Nauna na siyang lumabas ng kwarto niya, maliit lang ang kwarto niya kaya ilang hakbang lang ang kama sa pinto

Bumaba na siya ng hagdan at nakasunod lang ako sa kanya. "Oh sir Mark, saan kayo pupunta?" tanong nung katulong nilang babae, "ihahatid ko lang sa hotel, manang babalik din ako agad" tsaka niya kinuha yung susi ng kotse niya.



"ay akala ko dito siya matutulog?" takang tanong ni manang. Umiling nalang si Mark, "no po eh, baka makaistorbo ako kela ate Mae at Ella" tumawa ako ng mahina.



Tumango-tango nalang si Manang, "osiya sige sige, ingat kayo. Ikaw Mark uwi kaagad ha, madaling araw na oh" bilin niya, tumango nalang si Mark at pinasunod na ako sa labas. Lumabas na ako ng bahay nila at naghintay doon kasi ilalabas pa ni Mark yung kotse kasi pinasok na niya iyon kanina eh, nakakahiya nakakaistorbo ako dito


Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako ng kotse tsaka umupo sa shotgun seat. Umikot siya at umupo na din sa drivers seat


"uy sorry nakakaistorbo ako sainyo dito" hindi niya ako sinagot, mukhang galit. "Huy, galit ka sakin?"


"yung totoo, may sinabi ba mga kapatid ko sa'yo?" seryoso niyang tanong sa akin. Umiling ako at tinaas pa ang right hand ko na parang nanunumpa


Di na siya nag salita at pinaandar nalang yung kotse.


Ang bilis naming nakarating sa isang hotel dito sa Imus.


ok lang siya, hindi masyadong malaki pero ok na yon.



"ok na ako dito" bumaba na ako sa harap ng lobby ng hotel at nag babye na kay Mark.


Habang naglalakad papasok ay nararamdaman kong may nakasunod sa akin, nilingon ko iyon at si Mark pala.



"oh, huy mag aala-una na umuwi ka na" pero hindi niya ako pinansin at seryoso lang na nakatingin sa harap.


Huminto kami sa front desk at bumati naman sa akin ang babae.


"Hi good morning ma'am, sir. Room for 2 po?" tanong nung babae sa front desk. Umiling ako, "only for 1 po" nakangiti kong sabi


"3,999/ night po ma'am"


"Isang gabi lang po ako magsstay here" tumango naman yung babae at may tinype don sa computer


kinuha ko yung wallet ko at ibibigay na sana yung credit card sa kanya pero nagulat ako nung inunahan ako ni Mark.


"uy, hala" pero di niya parin ako pinapansin. Tinanggap iyon nung babae at tinap doon sa machine. Ibinalik niya na kay Mark yung credit card niya at ibinigay sa akin ang susi


"uy Mark bayaran nalang kita" iniabot ko yung 4k na cash sa kanya pero tinignan niya lang iyon, "sige na tanggapin mo na inaantok na din ako eh" tsaka ako tumawa.


Imbis na tanggapin niya yon ay lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko, "sorry ha, rest ka na. Good night" tsaka niya ako niyakap. Nagulat ako, hala ba't niya ginawa yon? am I dreaming?


kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at tinalikuran na ako tsaka naglakad palabas ng hotel. Naiwan akong nakatunganga sa lobby.


"what the fuck was that Camyllah?" bulong ko sa sarili ko at napahilamos nalang sa mukha ko.

Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon