nagising ako dahil sa lakas ng music sa loob ng kotse. Dinilat ko ang mga mata ko at agad na bumangon. Nag stretching muna ako at agad na luminga-linga para hanapin si Mark.
"Mark?" tawag ko pa sa kanya at doon ko lang napagtanto na mag-isa lang pala ako sa kotse.
pumikit muna ako kasi medyo malabo pa ang paningin ko tsaka kinusot ang mga mata ko. Dumilat ako at um-ok naman na ang paningin ko.
"Mark!" tawag ko pa sa pangalan niya pero walang mark na dumating. Agad kong tinupi ang blanket na ginamit ko at kinuha ang pillow na niyayakap ko kanina tsaka naman binuksan ang pinto at bumaba. Nilagay ko sa shotgun seat ang blanket na tinupi ko at pinatong doon ang pillow.
Sinirado ko na ang pinto at luminga linga sa paligid. "What?" takang tanong ko sa sarili ko dahil andito ako ngayon sa lugar na maraming grass at parang bukid, madilim na pero halata naman ang paligid salamat na din sa ilaw na nanggagaling sa mga poste at doon sa parang building sa harap ko
ha? Wala akong naaalala na sa probinsya na ang condo ko
Dahan dahan akong naglakad papunta doon sa may karatula kung nasaan ako ngayon, "may butas ba dito? langya majajockpot tayo neto" kausap ko na sarili ko habang naglalakad at dinadama ang mga dinadaanan ko kung may butas ba
Nung nakarating na ako sa tapat ng sign na yon ay agad kong kinapa ang bulsa ko hinahanap ang phone ko at salamat naman na andoon pa siya.
Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at itinapat doon sa sign na nasa harap ko.
Tagaytay Picnic Grove
naguguluhan na ako sa mga nangyayare, "ha?" agad akong napahawak sa ulo ko. "Paano nangyare yon?" takang tanong ko sa sarili ko at binasa uli ang nasa harap ko, "Tagaytay Picnic Grove... paano ako napunta dito? lumipat na ba ako ng condo?"
Naguguluhan na ako legit, diba kanina nasa school ako tapos nag away kami ni Nathan, tapos nagwalk out ako, tapos pumunta ako sa sakayan ng jeep, tapos walang jeep, tapos nagabihan na ako don, tapos sumakay ako ng taxi, tapos nabangga yung taxi tapos dumating si Mark tapos nagpahatid ako sa kanya, HALA PAANO KUNG NABANGGA DIN YUNG KOTSE NA SINASAKYAN NAMIN NI MARK?!
"Omg! I'm in heaven na!" tsaka ako napasapul sa ulo ko, "tanga, asan si San Pedro?" napa iling nalang ako at pangatlong beses na tinignan at binasa ang nasa harap ko, walang duda totoong andito ako sa tagaytay
Itinapat ko ang phone ko sa harapan ko kung saan kita ang buong paligid at ang lamig pa ng hangin ah, konti nalang manginginig na ako. Buti nalang makapal tela ng uniform ko
"I'm in Tagaytay?" di ko maipaliwag paano nangyari toh, how? paano? at bakit?
"yes you are" nagulat ako dahil biglang may nagsalita kaya muntik na akong matumba buti nalang at nakakapit ako sa pader sa likod ko.
"hahahah sorry.." ngayon mas naguluhan ako, why am I here... with this guy? eh diba hinatid niya lang naman ako sa condo? napakamot ako sa ulo ko at tumingin sa baba, what's happening?
agad nanlaki ang mga mata ko at napaatras ng kaunti tsaka tinignan si Mark
"you took advantage of me! you probably raped me! nung tulog ako! o baka nilagyan mo ng pampatulog yung panyo mo tapos pinaamoy mo sa akin nung tulog ako! OMG OMG!!! mommy!!! Help!!!! Help!!! Rapist!!!! Manyak!!!! Kidnapper!!!! Help!!!!" nagsisisigaw na ako dahil sa takot, omg! mas kinabahan pa ako dahil kami lang pala ang andito at wala nang iba, asan yung mga staff? asan yung ibang tao? wala bang magpipicnic?
BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Fiksi RemajaIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...