Chapter 14

7 1 0
                                    

Nagising ako ng 10 am na, kinuha ko ang phone ko at ang dami nanamang text mula kay kuya



Wow concerned ka boi?



parang dati lang sabi mo wala kang pakealam sa'kin ah, gg boi



Kuya Carlos

Make sure na wala kang kasamang lalake



Kuya Carlos

Papatayin ko yang lalake mo pag malaman ko na meron



Kuya Carlos

Pati ikaw


Kuya Carlos

8am na, umuwi ka na gumising ka na boi



Kuya Carlos

Saang hotel ka ba? sunduin na kita 8:30 na



Kuya Carlos

HOY ULOL HUMIHINGA KA PA BA?



Kuya Carlos

Bahala ka nga jan ina mo! gAnda kA ghOrl di ka nagrereply famous famous?



napairap nalang ako, umagang umaga eh.



To Kuya Carlos

oo ghOrl gAnda aKo



pinatay ko na ang phone ko at pinatay na ang mga ilaw, binuksan ko na ang mga kurtina at ang liwanag na pala



Sumilip ako sa bintana at ang dami nang tao sa kalsada, buti nalang at tuesday ngayon wala akong pasok.



MWTHF ang schedule ko eh



Huminga ako ng malalim, "Good morning" ngumiti ako at tsaka nag stretching. Naglakad ako papunta sa may salamin at pinagmasdan ang sarili ko, medjo magulo ang brown at wavy kong buhok na hanggang shoulder ang haba at suot ko parin ang hoodie at shorts na pinahiram ni Mark



napangiti ako, "pag naging tayo talaga susuotin ko lahat ng damit mo" tumawa ako mag-isa pero agad nawala iyon nung marealize ko kung ano ang sinabi ko



"omg omg CAMYLLAH!" agad ko sinampal ang sarili ko, "aray!" oh kitamo tanga siya yung sumampal tapos siya may gana magreklamo



"No! No! No! No! No!" humarap ako sa salamin at tinuro ang sarili ko, "Camyllah Valdez, tumigil ka!" pinangsingkitan ko ang mga mata ko at tinignan ng masama ang reflection ko sa salamin




"umayos ka ha!" tsaka ko tinalikuran ang sarili ko pero nakakadalawang hakbang palang ako ay nilingon ko uli ang salamin, "umayos ka!" tsaka ko uli tinuro ang reflection ko sa salamin.



Tumalikod na ako at naglakad na papuntang banyo para maligo

**



Lumabas na ako ng banyo ng nakatapis at umupo sa kama, "now ano ang susuotin ko?" tanong ko sa sarili ko at tinignan ang sarili sa salamin sa tapat ng kama



mag uuniform ba ako or yung pinasuot nalang ni Mark?



Tumayo ako at kinuha ang hoodie at shorts na pinahiram ni Mark sa akin na ginamit ko pangtulog



"di naman mabaho, eto nalang muna wala namang aamoy sakin niyan sa mall" pupunta kasi akong mall para bumili ng damit at kakain na din tsaka uuwi na.



Kinuha ko na ang tuwalya na nakapulupot sa katawan ko at sinuot na ang damit na pinahiram ni Mark kagabi



Sinuklay ko gamit ang buhok ko gamit ang daliri ko habang tinignan ang sarili sa salamin, tumalikod ako at naglakad papunta sa sofa kung nasaan ang bag ko at kinuha ang maliit na purse kung nasaan ang mga hygiene products and skincare products ko like wet wipes, facial foam, toner, tissue, cotton balls at lipbalm pati lipstick



Kinuha ko ang toner at cotton balls tsaka naglagay ng konting toner doon at pinahid yon sa mukha ko papunta sa leeg ko, tinapos ko naman yon agad sa basurahan na nasa baba lang ng mesa sa harap ko



Pinatuyo ko muna ang toner sa mukha ko at tsaka naman naglagay na ng lip balm sa lips ko, alangan naman sa ilong diba eh lipbalm nga dapat nose balm pag sa ilong



oh sasabihin yan ng mga kaibigan ko patawa ako tapos tatawa sila ng sarkastiko, sos kilala ko na kayo pwe!



Char!


Mwa!



pagkatapos ay inilagay ko na sa loob ang mga nilabas ko. Zinipper ko na ang purse at ibinalik iyon sa loob ng bag ko. Kinuha ko ang perfume ko sa bulsa ng bag ko at ang axe body spray na nasa tabi lang non



Oh diba, parang araw-araw pupunta ako sa camping eh. Buti nalang at naging girl scout ako nung elementary at highschool, laging handa!!!



Nag spray ako ng axe body spray sa katawan ko at agad iyong nangamoy sa buong kwarto, pagkatapos non ay pinatungan ko ang axe ng isa pang perfume galing Paris na pasalubong sa akin ni Daddy




"ngayon, sino mag-aakala na yung damit na pinangtulog ko 'yon yung damit na suot ko ngayon" at agad akong nag pa-cute in a dalagang pilipina way sa salamin at tumawa mag-isa, "ay nako! nababaliw talaga ako mag isa" umiling ako bago naglakad pabalik sa sofa kung nasaan ang bag ko at ibinalik sa bulsa ang axe body spray at perfume ko.



Nilingon ko ang salamin na nasa likod ko at inayos ang suot kong hoodie ni Mark





"Feeling blessed, never stressed.." sumayaw ako ng 'sunday best' bago isinuot ang tsenelas na andito sa hotel room na nakuha ko, taray free slippers



Sana all



kinuha ko na ang wallet ko. Dalawa kasi wallet ko, yung isa puro cash at yung isa puro card



dinala ko ang puro card dahil feeling ko mapapasabak ako ngayon pati ang phone ko na nasa kama kanina pa at tsaka tinignan uli ang sarili sa salamin.



"kay ganda ng buhaaaaayyy..." kanta ko pa habang sinisirado ang kurtina. Pinatay ko na din ang ilaw dito at sa banyo.



kinuha ko ang susi ng hotel room at lumabas na doon.



"Good morning ma'am" bati sa akin nung bellboy ng nakangiti "morning" nginitian ko siya pabalik at pumasok na sa elevator



"ground floor" bulong ko sa sarili ko nung nakapasok na ako sa elevator at pinindot ang pinakababang floor.



*ting*



Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas naman na ako don.



"Good morning ma'am" nakangiting bati nung babae sa front desk, "ingat po!" nag wave nalang ako at nginitian siya pabalik.



Ang babait ng mga tao dito



Palabas na sana ako ng hotel nung biglang may humawak sa kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad, nilingon ko kung sino yung humawak sa kamay o




"AY JUTAY ANG ITAY SUSMAREYOSEP!"

Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon