"ano ginawa mo sa kapatid ko?" lumapit siya kay Mark kaya pumagitna agad ako
"uy, chill" tinaas ko ang dalawang kamay ko at humarap kay kuya, "pre wala akong ginagawa kay Camyllah" dinig kong paliwanag ni Mark.
"Really" tinging naghihinala ang nakikita ko sa mga mata ng kapatid ko, syet ano nangyayare?
"Kuya—"
"Let's go home" di ko na natapos yung sasabihin ko sana dahil bigla niya akong hinila papunta sa kotse niya, "Carlos, careful nasasaktan si Camyllah babae yan pre!" hinawakan ni Mark ang braso ko, omg ano ba 'toh? eto yung napapanood ko sa mga movies na pinag aagawan ng dalawang lalake.
"bitawan mo siya, Mark" ramdam ko na pinipilit ni kuya kumalma. Hinihintay kong bitawan ako ni Mark pero ilang segundo na kami dito at wala paring bumibitaw sa kamay sa braso ko
"Mark sabi ko bitawan mo ang kapatid ko" jusko pag ganyan boses ni kuya manununtok na yan in no time
tiningnan ko si Mark at nakatingin lang siya ng diretso kay kuya ng walang reaksyon ang mukha, "ayoko" napakagat ako sa pang ibabang labi ko, ano ba ang nangyayare? di ko gets si kuya, barkada naman niya si Mark pero bakit ganyan siya makaasta? tsaka ano? anong ginawa sa akin ni Mark? saan naman niya napulot yang idea na yan na may ginawa si Mark sa akin?
"a-aray bitawan niyoko nasasaktan ako" kumalas ako sa pagkakahawak nila pero hindi nila ako binitawan. "kung may problema kayo wag niyo ako idamay" pareho ko silang tinignan ng masama
Sa pagkakataong iyon ay binitawan na nila ako pareho, "thank god" tsaka ko hinimas ang mga parte ng braso ko na sobrang higpit nilang hinawakan
"ano ba problema niyo?" takang tanong ko sa kanila at pareho silang hinarap. "Adik ba kayo? gusto niyo magpatayan? sige magsuntukan kayo sa harap ko basta wag niyo ako idadamay" pilit ko silang pinagdidikit pero naghihiwalay din naman sila agad, inirapan ko nalang sila at huminga ng malalim
"oo nga naman, gusto niyo ng away? sige mag away kayo, pero wag kayong mangdadamay.." napalingon ako sa likod ko nung may biglang nagsalita, "lalo na kung ang idadamay niyo ay etong sobrang gandang babaeng 'to na nasa harap ko" pinag krus niya ang mga kamay niya sa harap ng dibdib niya at tumingin ng diretso sa akin, ngumiti siya ng hindi kita ang ngipin.
Hindi ko siya mabasa...
Mahirap siyang basahin, hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano
"ma"
"tita"
tumingin yung babae kela kuya, umayos sila ng tayo at inayos ang kanya kanyang mga damit.
"carlos, makoy nag aaway ba kayo?" takang tanong nung medyo may edad na na babae kela kuya "hindi po tita, nagkakapikunan lang" palusot pa ni kuya tsaka ngumiti ng plastic, pffftt
"ay nako, sa susunod idaan niyo sa mahinahong usapan. Wag niyong hayaang magkasakitan kayo.." tumingin siya sa akin "lalo pa't kung wala namang kwenta ang pinag aawayan ninyo" ngumiti siya sa akin
ha?
nang aasar ba 'tong matandang 'toh?

BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
TeenfikceIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...