Chapter 3

13 3 0
                                    

kakatapos ko lang mag toothbrush at mag skin care kaya humiga na ako sa kama ko at nag YouTube nalang muna.



Nanood ako ng mga vlog ng mga seaman nung mapag isipan kong isearch yung Mark na pogi— este yung tumulong sa akin kanina doon sa manyakis na Luigi boy na yon.



"Eh paano ko siya mahahanap di ko naman alam surname niya" napailing nalang ako at nag isip ng paraan para mahanap siya.


Lumiwanag ang mukha ko at parang may lightbulb na umilaw sa ulo ko nung may maisip ako.


"Sa friends list ni kuya!" napatakip agad ako ng bibig nung napagtanto kong napalakas ang sigaw ko, "ano ba Ella! baka marinig ka nila mommy sa kabilang kwarto!" saway ko sa sarili ko. Magkatabi lang kasi yung kwarto ko at master's bedroom kaya baka marinig nila ako na nanlalalake sa kwarto ko, charot


sinearch ko si kuya sa fb,



Carlos Valdez

Home is where the Anchor Drops

Works at Magsaysay Maritime Corporation

•Former Deck Cadet at Ligaya Maritime Corp.

•Studied at Maritime Academy of Asia and the Pacific

•Went to Philippine Science High School

•Lives in Quezon City, Philippines

Friends (257 mutual friends)



sinearch ko agad yung 'Mark' na name pero potek! ka-dami naman nire!!



yung ginawa ko, tinignan ko nalang yung mga profile picture.



scroll


scroll


sige scroll pa para sa lalake ha!



landi mo besh!! magagalit sa'yo daddy mo tigilan mo yan!!!


sige scroll pa tigas ng ulo mo



scroll


scro

"BINGO!!!" napasampal ako sa sarili ko kasi napasigaw nanaman ako. "Potek, ginagawamue!"



"anak? Camyllah, are you okay?" napatakip ako sa bibig ko nung kumatok si mommy. "uh, yes mom. Ka-video call lang si Nathan hehehe" insert nervous laugh.


Nung maramdaman kong nakalayo na si mommy sa pinto ko ay ibinalik ko ang atensyon ko sa phone ko.

Mark Garcia

A Smooth Sea never made a Skilled Sailor

•Lives in Imus, Cavite

•Studied at Maritime Academy of Asia and the Pacific

•single

"YUN OH SHET NA MALAGKET SINGLE SIYA MEN!!" napahampas ako ng malakas sa kama.


puro shared post yung nasa wall niya, mga meme at yung iba mga post about sa seaman.


"Ay olats" napagdesisyunan kong rekta photos nalang ako agad.


"Kung sineswerte ka nga naman"


52 profile pictures

10 cover photos

Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon