"Welcome home master!!" sabay sabay na sigaw ng madaming lalake pagkababa namin ng kotse. Yung iba kakilala ko kasi ka-work sila ni kuya at madalas sila sa bahay, yung iba naman di ko kilala baka yon yung mga tropa ni kuya nung college siya sa MAAP.
"my boys!!!" sigaw ni kuya sabay takbo papalapit sa mga barkada niya at pinaghahampas ito sa ulo. "What's up mga gunggong!!" sigaw pa niya.
"shush uy Carlos masama yan, tigilan mo yan" saway ni mommy na kakalabas lang ng bahay at lumapit kaagad siya kay daddy at hinalikan ang pisngi. Nakita kong napakamot sa ulo si kuya at inaya na pumasok yung mga lalake.
"Camyllah, pumasok ka na bumili ako ng Jollibee para sa'yo bago ako umuwi galing work" agad lumiwanag ang mukha ko at pumasok na papasok.
Jollibee!!!
dumiretso ako sa dining area kung nasaan ang jollibee ko at sila kuya naman ay sa veranda dumiretso dahil mag iinuman sila ngayon.
"Ang dami neto mommy" totoo naman eh, isang spaghetti with chicken, large fries, yum cheeseburger, sundae, dalawang tuna pie at isang jolly hotdog. "Ok lang yan, itabi mo nalang yung di mo makakain kakainin ko mamaya" tumango nalang ako at umupo na tsaka nagsimulang kumain ng spaghetti.
Napahinto ako sa pagkain at nilingon yung tao sa gilid ko. Nakatingin siya sa akin ngayon, "ano po kelangan nila?" tanong ko. Nginitian niya ako, "pinapakuha ni Carlos yung red label" tumayo ako at pumunta sa lagayan namin ng alak. "Yung red label lang po ba?" tanong ko sa lalake. Tumango siya, kinuha ko na yung alak at iniabot sa kanya.
Nung pabalik na sana ako sa mesa para kumain ay bigla naman siyang nagsalita kaya nilingon ko siya, "your name is Camyllah, right?" nakangiti niyang tanong. Tumango ako, "ang ganda mo pala in person"
"hahaha salamat" tsaka ko siya tinalikuran at bumalik na sa dining table para ipagpatuloy yung pagkain nung spaghetti pero nagtataka ako bat andon parin yung lalake nakatayo sa gilid ko at tinitignan ako. "May kelangan pa po ba kayo, kuya?" takang tanong ko na ikinatawa naman niya. "Kuya? Don't call me kuya, 25 lang ako and you're only 20, right?" mas lumawak yung ngiti niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagkunwaring may chinachat sa phone.
"so.. do you have a boyfriend?" malandi yung tono ng boses niya at mas lumapit pa siya sa kinauupuan ko. Hindi ko parin siya pinapansin hanggang ngayon.
"hey, I'm asking you. Kasi pag wala, I can be your boyfriend naman" tinignan ko siya ng seryoso hindi pinahahalata na kinakabahan ako kung ano yung pwede niyang gawin sa akin. Wala pa namang tao dito malapit sa kusina ngayon dahil lahat sila nasa labas nag iihaw.
"please, stay away from me you're scaring me" akmang tatayo sana ako upanh lumipat sana ng upuan kaso hinawakan niya yung braso ko.
"Hey, wag ka namang masyadong hard to get. Alam ko namang napopogian ka din sa akin eh"
Okay Camyllah, tumakbo ka na sabay sigaw sa bilang ko ng tatlo.
Isa
Dalawa
Tatl—
"Luigi stop that" narinig ko ang nakakatakot ngunit seryosong boses galing sa likod namin. Agad akong binitawan nung lalake na Luigi pala ang pangalan at lumayo ng kaunti sa akin. Dahan-dahan kong nilingon yung lalake na nagsalita kanina.
ay pogi
AY SHUH!! CAMYLLAH!! Bakit iyon yung naisip mo! Diba nga, bawal magka-jowa o kahit crush manlang hanggat walang milyon sa banko?! umayos ka!! batukan kita eh!!
BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...