Pagkatapos nung gabing yon. Nung sobrang malas na gabing yon kung saan binastos ako nung Luigi boy na yon, nag wala si kuya at inasar ako nung feeling close na akala may crush ako sa kanya. Grabe, ang lakas ng hangin non signal #4 na yung bagyo sa loob ng katawan sobrang feeling
Saturday na ngayon, andito pa rin ako sa bahay at naglilinis na ngayon yung mga katulong namin sa baba. Dito na din pinatulog ni mommy yung mga tropa ni kuya kasi sobrang lasing na din. Yung iba nasa guestroom tapos yung iba naman nasa room ni kuya.
Andito pa ako sa kwarto kakatapos lang maligo, tinignan ko yung alarm clock ko and it's currently 9:30am. Nagsuot lang ako ng black jogging pants and black sleeveless top na fitted. Di ko na muna sinuklay yung buhok ko at lumabas na ng kwarto.
Bumaba na ako at dumiretso sa dining area para kumain ng breakfast nung maabutan ko yung mga tropa ni kuya pati na rin si kuya na mga mukhang na tokhang na magkakatabing nakaupo sa mga upuan sa dining table.
inom pa!!
"Oh, anak umupo ka na sabayan mo na sila kumain" andon si mama sa kusina ngayon abala sa paglalagay ng mga pagkain sa plato.
"good morning Camyllah" bati ni kuya Gerald, kilala ko siya kasi best friend siya ni kuya pareho silang nagwowork sa Magsaysay at sa pagkakaalam ko siya yung 3rd mate nila. Di ko sure
Nginitian ko nalang siya at umupo na sa tabi ni kuya. Agad ko siyang kinurot kaya napasigaw siya, "aray! ano ba problema mo!" tinignan niya ako ng masama. Pinandilatan ko nalang siya ng mga mata, akala mo nakalimutan ko na yung kagabi ulol
"Good morning trite!" bati din ni kuya Daniel, best friend siya ni kuya since high school kaya kilalang kilala ko na siya. At trite yung tawag niya sa akin kasi yung second name ko is Amphitrite Kaya yung mga close friends ko as in yung sobrang close na talaga trite na tawag sa akin.
"good morning din kuya" nginitian ko siya, yung hindi kita yung ngipin. Nakaupo siya sa tapat ko.
"am I supposed to say Hi?" nabaling ang atensyon ko sa nagsalita, napa hampas ako sa mesa nung mapagtanto ko sino yung nagsabi non.
"sshhh, Camyllah ano nangyayari jan?" saway ni mommy. "W-wala po mommy, may langaw kasi yuck!" nag kunwari ako na nandidiri.
"ay nako, oy helen mag spray ka nga mamaya ng pampa-patay ng insekto. Dumadami na langaw natin dito sa bahay, hindi malinis tingnan!" at naniwala naman nanay ko sa pinagsasabi ko, um-oo nalang si ate helen katulong namin siya na nasa 40+ na ang edad.
Nakita kong napatawa si Mark. Hindi ko nalang siya pinansin at binaling ang tingin sa garden. May malaking sliding door kasi sa tapat ng dining table at sa labas non ay yung garden namin.
"kobe come here!" sigaw ko at nakita kong lumingon yung aso namin. Aspin siya, brown ang balahibo at maliit lang. Nakita ko siya sa beach noon sa subic nung puppy palang siya at sobrang cute at taba kaya inuwi ko.
Agad tumakbo papalapit sa akin si Kobe, "hi baby! Good morning!!" tsaka ko pinaupo sa tabi ko.
Narinig kong may bumulong pero hindi ko na pinansin iyon.
"hi kobe-saya! bisaya toh eh, tingnan niyo. Kobe!" pa-epal pa ni kuya. Nung narinig ni Kobe na tinawag siyana kuya ay agad siyang tumahol.
"oh, sabi niya unsa!" tumawa yung mga tropa niya. "ha-ha-ha kakatawa" mahina kong sabi. Binatukan nalang ako ni kuya, aba? magpapatalo ba ako edi shempre binatukan ko din siya
BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...