Chapter 7

8 2 0
                                    

Monday na ngayon at sobrang boring netong araw na 'toh, wala kaming class sa engineering physics at industrial chemistry kaya marami akong oras para gawin gusto ko pero ang problema, wala akong gustong gawin kundi maupo




andito ako ngayon sa canteen kumakain ng burger, tinext ko si Nathan na puntahan ako dito pero sabi niya wait lang daw kasi tinatapos niya yung assignment para sa next class namin. Sumilip ako saglit sa relo ko at may 1 hour pa naman bago ang next sub




nilabas ko ang phone ko at nag-fb nalang muna. Habang nagiiscroll ay may biglang lumabas na notification sa may status bar.




Mark Garcia sent you a friend request

accept • reject




Agad akong napaayos ng upo at tinignang mabuti kung siya ba talaga yon at tama nga ako, siya talaga iyon.




Ilang minuto akong nakatitig lang sa screen ng phone ko nung biglang may




"ARAY!" nabunggo yung tiyan ko sa mesa kaya napa sigaw ako sa sakit.




"sorry ella! eh nagmamadali na kasi ako eh di pa ako nakagawa ng assignment" nag peace sign siya at umupo na sa tapat kong upuan. Pinunasan niya ang pawis niya gamit ang panyo niya tsaka naman kinuha yung tubig na binili ko, "painom" hinayaan ko nalang siya na inumin yon, di naman ako inuuhaw eh kaya ays lang




inilapag niya sa mesa ang backpack niya at dalawang notebook.




hinayaan ko nalang muna siya sa ginagawa niya at binuksan ang phone ko, laking gulat ko nung makita kung ano yung nakasulat doon.




You and Mark Garcia are now friends, say hi!




HALA!!! NA- ACCEPT KO YUNG FRIEND REQUEST NIYA!




"shit shit shit!!!" nagpapanic na ako dito sa canteen, tumayo ako at hinagis ang phone sa mesa. Nagulat si Nathan sa ginawa ko kaya tinignan niya ako at yung phone na hinagis ko. "ella, are you okay? May bad news ka bang natanggap? namumutla ka" tsaka niya kinuha yung phone ko at tinignan iyon





"oh, you have a new friend. Say hi daw" tsaka niya iniabot sa akin yung phone. Mas lalo akong nainis kaya agad kong hinila ang buhok niya, "walangya kaaa!!!"




"a-aray!! ano ba Ella stop it!" hinahampas niya na yung kamay ko pero hindi parin ako tumitigil hanggang sa mapansin kong ang dami na palang nakatingin sa amin dito sa canteen. "susmareyosep! tigilan niyo iyan! kabata-bata niyo pa naman tapos naglalandian kayo sa mataong lugar?! mga kabataan talaga ngayon, oo!" agad kong binitawan yung buhok ni Nathan at umayos ng upo sa tabi niya. "S-sorry po ma'am" paktay, terror teacher pa naman namin 'toh langya baka mamaya ipahiya ako sa klase o ibagsak ako. Tsaka ano? Naglalandian? kami ni Nathan? yuck, mga tao talaga ngayon sobrang mapanghusga




umiiling siyang naglakad palabas ng canteen dala dala ang tubig at turon na binili niya, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Ibinaling ko ang atensyon ko sa iba pang estudyante dito sa loob ng canteen, yung iba natatawa at yung iba naman may pa iling-iling pa. Nginitian ko sila at nag peace sign pa, "hehehe hi! enjoy your food!" tsaka ako nag thumbs up sa kanila.





Nung mawala na ang atensyon sa amin ng ibang estudyante sa canteen ay agad kong tinignan ng masama si Nathan. Nakatingin din siya ng masama sa akin habang hinihimas-himas ang ulo niya.





"ano ba problema mo? may galit ka ba sa akin?, Ha?" nakanguso siya ngayon. Tinapat ko sa mukha niya yung phone ko, tinignan niya naman iyon. Napansin kong kumunot ang noo niya. "oh! ano meron?" kunot noo siyang tumingin sa akin, nagtataka sa mga kinikilos ko




Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon