"huh? anong crush? sino crush ko?" maang-maangan ko pa, pasimple kong kinagat yung lower lip ko at tumingin sa kabilang direksyon
"ha? sino? Oo nga, sino kaya hmmm" nagkunwari pa siyang nag iisip.
kaasar!
Tingnan mo toh, kanina akala ko seryoso tapos nakakatakot siyang tao pero ang kulit at tawa pala ng tawa netong nilalang na toh.
"hoy kuya ikaw ha, nagdra-drugs ka ba? tigilan mo na yan, di yan goods for you ha, tigilan mo na yan men" tinuturo turo ko pa siya at nagkunwaring walang alam sa sinasabi niya. Mas lumakas ang tawa niya, "ay nako kang bata ka!" tawa parin siya ng tawa.
inirapan ko nalang siya
nabaliw na
"kuya FC ka ah! wag ganon!"
"huh? FC? ano yon? sorry lumang tao kausap mo" medyo natatawa niyang sabi. "tss oo nga pala, you're old" bulong ko.
"hoy! bata pa ako ha! 28 lang ako!" tinuro niya sarili niya sabay tawa nanaman
kanina akala ko ako na yung nababaliw, pero ngayon halata na sa amin kung sino yung baliw.
Tinignan ko siya, ang liwanag ng mukha niya pag nakangiti. Mas bumabata siya tingnan at hindi na nakakatakot. Parang ang bait bait niyang tao kumpara don sa una naming pagkikita
tumigil na siya kakatawa at nakangiti na ngayon, "alam mo, we can be friends huh. Di ka naman pala nakakatakot eh" nginitian ko siya. "nakakatakot? what makes you think na nakakatakot ako?" taka niyang tanong habang nakangiti parin.
"Eh kanina, nung dumating ka nung muntik na ako bastusin nung Luigi na yon. Yung boses mo sobrang nakakatakot, para kang manununtok sa itsura mo kaya akala ko pareho kayo ni kuya" paliwanag ko pa.
"bakit, nakakatakot ba yung kuya mo?" tinanguan ko siya, "para akong militar pag kasama ko siya, hindi niya ako tinuturing na babae. Sobrang desiplinado ko" tipid akong ngumiti.
"panong desiplinado?" tanong niya uli. Natawa ako sandali, naalala ko yung mga panahon na napapahiya ako sa public kasi pinapagalitan ako ni kuya.
"alam mo na yon" ayoko mag kwento, di pa kami close hahaha
nakita ko siyang napakibit-balikat, "maybe next time, pag close na tayo" tumawa ako saglit at agad din naman nawala yon nung nakarating na kami sa 7/11
Bumaba na kami pareho, ni-lock ko yung kotse at pumasok na sa store.
"ano ba kelangan niyo?" tanong ko habang tumitingin ng chips. "Kahit ano, sila naman may kelangan niyan eh" tsaka siya kumuha ng basket.
"para sa inyo toh, pulutan niyo 'toh diba" sabay lagay nung malaking piattos sa basket na buhat buhat niya.
"no, I don't drink" nilingon ko siya.
"ay weh? ba't ka andito?" takang tanong ko at nilagay yung V-cut sa basket. "actually, magkasabay kami sa flight ni Carlos at Captain Valdez. Magkasama kami sa barko, inaya nila ako uminom eh shempre hindi ako makatanggi kaya um-oo nalang ako"
"ganon ka din ba pag binibigyan ka ng babae sa ibang bansa?" tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa siya at magsasalita na sana kaso binara ko siya, "if yes, then stay away from me" pabiro ko siyang tinaboy.
"hahaha bakit naman?" natatawa niyang tanong. Pumunta na kami sa may mga chocolates, bibili ako para sa sarili ko aba kelangan ko din ng sweldo ah! pasalamat nga sila chocolates lang hinihingi ko.
BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...