Chapter 15

9 1 0
                                    

**

tinignan ko siya ng masama, "sigurado ka bang aalis ka?" tanong niya sa babaeng 'yon. Tumango naman yung babae, "oo, don't worry I'm ok. Baka lang maka istorbo ako kela ate Mae at Ella" binigyan niya ng matamis na ngiti si Mark.


"nakakadiri" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Kawawang Mark, bakit napunta ka sa babaeng 'yan. "Ayoko sa'yo" sinamaan ko ng tingin si Camyllah.



tinignan ko si Mark, "iyang mga tingin na 'yan, yan ang tingin ng umiibig macoy" umiling ako.


agad akong pumasok sa bakanteng kwarto at nagtago doon dahil paalis na sila at baka maabutan nila akong nakikinig sa usapan nila.

"oh, akala ko ba dito ka matutulog?" dinig kong tanong ni manang, andoon na sila sa baba kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto at sumilip doon.


Kinuha na ni Macoy ang susi ng kotse niya at lumabas na kasama ang babaeng 'yon.


padabog kong isinira ang pinto at lumabas na doon, "ma'am may kelangan po ba kayo?" tanong ni manang sa akin. "wala kang pakealam!" sigaw ko pa, natakot ata siya sa sigaw ko at nanginginig na tumango at tumakbo papasok sa kwarto niya sa baba.


"ayoko sa'yo Camyllah, ayaw kitang maging parte ng pamilya namin" isinira ko ang kamao ko at sinuntok ang pinto, sumigaw pa ako at nag isip ng paraan para mailayo ang babaeng iyon kay Mark.





Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang phone ko.



"Carlos Valdez" yon ang sinabi ko bago siya tinawagan.


"Hello"



"hello, sino 'toh?"

"alam mo ba ano ang ginagawa ni Mark Garcia sa kapatid mo?"

"anong ibig mong sabihin?"


"alam mo ba kung anong pumapagitna sa kaibigan mo at kapatid mong si Camyllah Valdez?"



"teka sino ba 'toh?" dinig ang galit sa boses niya.


"pwes kwekwentuhan kita"





**




"AY JUTAY ANG ITAY SUSMAREYOSEP!" natawa siya sa sinigaw ko, agad kong tinakpan ang bibig ko nung marealize ko ano ang sinabi ko, "uy grabe daks naman daw papa ko sabi ni mama" natawa siya ng malakas. Agad kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.





natawa nalang din ako sa sinabi ko, "saan punta mo?" tanong niya. "Mall, bibili ng damit" sagot ko.





Napatingin siya sa suot ko, nakita ko ang kaunti niyang ngiti. Huh? muntanga, natatawa ata siya kasi mukha akong tomboy ngayon.



"ba't ka tumatawa?" tinaasan ko siya ng kilay, "natatawa ako sa'yo eh" tsaka niya tinakpan ang bibig niya habang tumatawa. Umiling nalang ako, "mukha ba akong tibo?" natatawa kong tanong. "Medyo hahaha..." sagot niya




"FYI ikaw ang nagpasuot sakin neto ha tapos tatawa tawa ka jan" inirapan ko siya. "Thank you ha, salamat at may sinuot ka pa" ginaya niya at ginawa ko at inirapan din ako.



"osige sige thank you po" ginawa ko pa yung ginawa ni Kathryn don sa teleserye nila ni Daniel na Got to believe nung nagsosorry siya kay Daniel kasi nadesgrasya siya neto



umiling iling nalang siya, "tara samahan na kita" tsaka niya ako inakbayan, tinignan ko ang kamay niya sa balikat ko.



Omg kagabi pa siya ganyan, di kaya tropa niya talaga si Luigi boy at may balak silang rape-in ako?



naramdaman ata niya na naiilang ako sa ginawa niya kaya agad niyang kinuha ang kamay niya at pinag krus nalang ang dalawang kamay sa dibdib. Umubo pa siya bago magsalita, "tara na" tsaka siya nauna na pumunta sa parking lot



Umiling ako bago sumunod sa kanya



Huminto kami sa tapat ng isang toyota altis na kulay puti, "wow, ampogi" ang ganda ng sasakyan niya. Ang linis, mukhang alagang alaga



"thanks" tsaka niya sinuot ang shades niya, don't worry pati ikaw pogi ahihi..



agad kong sinaway ang sarili ko nung mapagtanto ano ang sinabi ko sa utak ko, "ella behave" bulong ko sa sarili ko at pumikit pa tsaka tumingin sa taas, "lord help me" tsaka ako lumapit doon sa kotse.



Pinagbuksan niya ako ng pinto, pumasok ako at umupo sa shotgun seat. Umikot siya papunta sa drivers seat, mas pogi siya ngayon. Naka red polo shirt siya at black shorts tsaka white shoes. Plus naka shades pa siya, ay jusko fafa





"Camyllah tumigil ka" saway ko sa sarili ko, sakto pumasok na din si Mark sa kotse at umupo sa drivers seat.



Nakakahiya yung suot ko, para niyakong yaya ngayon.



"saang mall ba?" tanong niya. "Ikaw, dl naman ako taga rito di ko alam pasikot sikot" tsaka ko sinuot ang seatbelt




"hmmm.. try natin SM bacoor kung wala kang mapili SM dasma nalang" tumango ako at pinaandar naman niya na ang kotse.






"asan yung Montero mo?" tanong ko sa kanya, lumiko muna siya bago ako sagutin. "sa bahay, wala na gasolina hahaha" tawa niya, oo nga pala sabi niya wala na daw siya gasonila.






"eh sila ate Mae mo at si Ella? kamusta?" tanong ko. Nakita kong sumeryoso ang mukha niya, ilang segundo ang lumipas at bigla niyakong tinignan. "Yung necklace?" tanong niya, kinapa ko ang leeg ko at thank God andon parin siya.






"totoong gold ba ito?" natatawa kong tanong sa kanya. "yep, mahal yan akala mo. Binili ko yan sa Germany" nginitian niya ako. "ay ba't mo binigay sa akin? I don't deserve this. Eto oh ibalik ko na" pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko.






"You deserve that" nilingon niya ako at ngumiti siya. "You're special, and a very special girl deserves the best gift"






"paano kung yung best gift eh yung mundo?" tinaasan ko siya ng kilay.





"If I could give you the world, I would Camyllah" ngumiti siya at tinignan ako.





ilang minuto akong nakatingin sa kanya nung marealize ko ano ang pinagsasabi namin. Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya at saka siya tinignan, di ko alam anong irereact ko. Magugulat, maiinis o matatawa.





"pwede na tayo sa titanic, jack rose hold on" nag act pa siya kaya natawa nalang ako.





Baka nga joke lang 'toh sa kanya, wag ko nalang bigyan ng meaning




huminto kami sa parking lot ng SM bacoor. "We're here!!" tsaka niya pinatay ang makina at kinuha ang seatbelt niya. Kinuha ko na din ang seatbelt ko at akmang bababa na sana pero biglang tumunog ang phone ni Mark.



"wait lang" tsaka niya sinagot iyon. Tumingin ako sa bintana, baka sabihin niya chismosa ako eh.





"Hello?.. what? Now? Seryoso?... Ok ok we'll be there.. okay" tsaka niya binaba ang phone at tumingin sa akin.





"sabi ni mama doon ka na daw mag lunch sa bahay, bawal daw tumanggi" napakamot siya sa ulo niya.





Agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat, what?!





napansin niya ata na masama ang reaction ko kaya tinap niya ang balikat ko, "don't worry, i got you as always" tumawa siya ng kaunti at tsaka nag thumbs up sa akin.





"tara?" aya niya tsaka tinuro ang mall. Tumango nalang ako at bumaba na



jusko, tabang..

Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon