Chapter 13

6 1 0
                                    

Tulala akong pumasok ng elevator at clinick ang 5th floor dahil doon ang kinuha kong room, hinawakan ko ang noo ko at iniisip parin ang nangyari kanina, "gosh"


napahampas ako sa pinto ng elevator, "this is so legit!" tsaka ako mukhang tangang nagtatatalon sa loob.


"hala ella, umayos ka. Diba bawal ka magkacrush hanggat di ka pa nakakagraduate at wala ka pang work? ba't parang nagkakagusto ka na sa Mark na yon?" nakaharap ako sa salamin dito sa loob ng elevator.



"eh kasi naman di naman sa ayaw pero feeling ko di naman hadlang si Mark sa studies ko eh, tsaka graduating naman na ako" inirapan ko ang sarili ko



"kaya nga! Graduating kana kaya di ka dapat lumandi! no distractions, Ella. No distractions" nanghihina akong sumandal sa elevator.



"nakakainis naman ba't ba ako nangako na di ako magkakacrush o magkakajowa hangga't wala akong work and maraming pera. Nagsisisi na tuloy ako" pinag krus ko ang kamay ko sa dibdib ko.



huminga ako ng malalim, "ano ba nangyayare Camyllah" habang naghihintay ay naalala ko ang nangyari kanina


Hindi ba nagmukha akong walang respeto kasi umalis nalang ako bigla?



hayst.



Ang dami kong problema, "ba't ba kasi umalis ka din bigla doon?" tinadyakan ko nalang ang sahig dahil sa inis.


Tumunog na ang elevator at bumukas na ang pinto, lumabas na ako doon at pumunta na sa room 114 tsaka binuksan na iyon, pumasok na ako doon at pinagmasdan ang paligid.


May isang sofa at maliit na table, meron ding queen size bed at malaking bintana sa harap non. May tv sa harap ng kama at may banyo, katabi non ang sliding door papunta sa balcony.


Inilapag ko ang bag ko sa sofa at hinubad na ang sapatos ko.

Humiga ako sa kama at nag inat-inat, "kapagod netong araw na 'toh" tsaka ko nagpahinga saglit at inalala ang mga nangyari ngayong araw.

Una na-accept ko ang friend request ni Mark sa akin nang dahil kay Nathan, dapat ba magpasalamat ako sa kanya?


Pangalawa nag away kami ni Nathan dahil binabastos niya na ako, kaya winalk-outan ko siya


Pangatlo walang dumaang jeep sa sakayan kaya mas napagod at na badtrip lang ako


Pag-apat walang pumarang taxi sa akin, tinakot ko nga lang para parahan ako eh


Pang-lima hinarangan ni Mark yung taxi at nasubsob ang mukha ko sa likod ng shotgun seat


Pag-anim nagalit sa amin ang taxi driver at pinababa ako sa taxi kaya napilitan akong sumakay sa kotse ni Mark at akala ko iuuwi niya na ako sa condo ko pero idinala niya ako sa Tagaytay, nakakahiya pa at napagbintangan ko siya na nirape or may ginawa sa akin, kung ano ano pa nasabi ko

Pang-pito hinabol ako ng baliw at muntik na ata akong gahasain non eh, but thanks to Mark hindi niya natuloy ang maitim niyang balak

Pang-walo dinala ako ni Mark sa bahay nila dito sa Imus at tinarayan ako ng ate niya, hindi ko alam ano ginawa ko sa ate niya ba't ganon pinakitang ugali sa akin eh wala naman akong ginagawang masama don

Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon