Kabanata Sais

87 5 0
                                    

"Aaaaah!"

Mabilis na iniliko ni kuya ang kalesa, dahilan upang mahulog ako sa aking kinauupuan at mabitiwan ko ang bayong na yakap-yakap ko. "Aray!" Sigaw ko nang unang tumama ang aking balakang sa sahig. Mabuti na lamang naitigil pa ni kuya ang kalesa sa isang tabi, dahil kung hindi ay dumire-diretso na kami at nabangga namin ang babae at ang bata kanina.

Agad namang bumaba si kuya upang tulungan ang dalawa na tumayo. Napa-upo kasi sila sa takot kanina. Lumabas na rin ako ng kalesa at pilit na naglakad kahit pa medyo masakit ang balakang ko. "Ayos lamang ba kayo?" Nilapitan sila ni kuya habang nakasunod naman ako sa kaniya. "Nasaktan ba ka--" Hindi na natapos ni kuya ang sasabihin niya nang sunggaban siya ng babae,

"Ayos? Ayos?! Muntik na ninyo kaming mapatay ni Sergillo kanina, sa tingin ba ninyo ay ayos lamang kami?" Sigaw niya sa amin. "At ikaw!" Hinarap niya si kuya, "Bulag ka ba, ha? Anong klaseng kutsero ka?! Bakit hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan mo?! Muntik ka nang makapatay ng tao! At hindi lamang isa, kundi dalawa!" Galit na nagsisigaw ang babae sa harapan ni kuya. "P-Pasensiya na po, ale. Hindi ko po sinasadyang takutin kayo at ang inyong anak." Nangangatal na wika ni kuya. Nanlaki naman ang mata ng babae nang sabihin niya iyon. "Ano?! Anong anak? Mukha ba akong matanda para sa iyo? Kapatid ko itong batang ito, hindi anak! Bente singko lamang ang edad ko, para sa kaalaman niyo!" Mas lalong nainis kay kuya ang babae. Muntik naman akong matawa dahil doon. Aba, napagkamalan pang matanda ni kuya ang babaeng muntik niyang mabangga!

"A-Ah, pasensiya na. Kung ibig ninyo ay bibigyan ko na lamang kayo ng salapi bilang pagbawi sa aking nagawa kanina." Wika ni kuya na ngayo'y pilit ring nilalabanan ang pagtawa niya. "Hindi namin kailangan ng salapi. Aalis na lamang kami." Saad ng babae saka hinila ang bata at mabilis na naglakad papalayo sa amin.

Nang mawala na sila sa aming paningin ay hindi ko na napigilan pang tumawa, "Pambihira, kuya! Masyado ka namang mapanghusga! Lalo tuloy nagalit ang babae kanina." Panenermon ko sa kaniya habang tumatawa. Nagtaka naman ako nang hindi siya sumagot sa akin kaya nilingon ko siya. Nakita kong may tinititigan siya sa lupa na isang munting parihabang papel na kalaunan ay dinampot niya rin upang matignan ng maigi.

"L-Lina Jimenez?" Pagbabasa niya rito. Doon ko napagtanto na isa palang sedula ang papel na iyon. Marahil ay nahulog ito ng babae kanina dahil sa pagmamadali nila. "Edad dalawampu't lima, isang rehistradong mananahi." Patuloy niya pang binasa ang mga nakasulat doon kaya inagaw ko kaagad mula sa kaniya ang papel.

"Kuya, isang iyang sedula. Hindi mo maaaring basahin ang mga nakasulat riyan! Nakasaad diyan ang nga pribadong impormasyon ukol sa kaniyang buhay na marahil ay hindi niya nais na malaman ng iba." Wika ko, napakunot naman ang noo niya, "Hindi ba't ginawa ang mga sedula upang malaman ang pagkakakilanlan ng isang tao? Akin na nga iyan--" Sinubukan niyang abutin ang sedula ngunit patuloy ko itong inilayo sa kaniya upang hindi niya na ito mabasa.

"Hindi, kuya. Ibalik na lamang natin ito sa kaniya." Saad ko.

Muli na kaming sumakay sa kalesa at naglakbay pauwi.

"Lina Jimenez... kay ganda ng pangalan niya." Tila nawawala na naman ang atensiyon ni kuya sa daan dahil sa lalim ng iniisip niya.

"Kuya! Ayusin mo nga ang iyong pagmamaneho at baka madisgrasiya pa tayo." Saad ko ngunit hindi siya nakikinig.

Patuloy niyang binigkas ang pangalan ng babae kanina, "Lina... Lina Jimenez. Isa siyang mananahi, hindi ba?" Tanong niya ngunit hindi sa akin, kundi sa sarili niya. Kanina pa niya ako hindi pinapansin dahil kinakausap niya ang kaniyang sarili na parang hibang.

Sandali, nagkaka-interes na ba si kuya sa babaing iyon? Hindi kaya... may gusto na siya sa kaniya?

"Uy, kuya! Tila may gusto ka na ata sa babaing iyon!" Pagbibiro ko, at natauhan naman siya dahil doon.

"H-Hindi, ano. Ibig ko lamang malaman kung sino siya." Palusot niya ngunit halata sa boses niya na nagsisinungaling lamang siya.

Napangisi na lamang ako sa aking sarili dahil makakaganti na rin ako sa pang-aasar niya sa akin kay heneral Francisco.




Tahimik kong pinagmasdan ang kulay kahel na kalangitan mula sa bintana ng aking silid. Alas singko na kasi ngayon at papalubog na ang araw. Sakto naman dahil sa mismong bintana ko ito nakatapat.

Hinihintay namin ang pagdating ng mga Espinoza. Bigla kasing inimbitahan ni Don Herman ang kanilang pamilya upang maghapunan dito sa aming tahanan. May mahalagang bagay raw na dapat na pag-usapan ang aming mga pamilya. Tungkol saan naman kaya iyon? Tungkol kaya sa nangyari noong kaarawan ni Mateo?

Patuloy pa akong nag-isip habang nakamasid sa magandang tanawin mula sa aking bintana. Maraming ulap ngayon sa kalangitan na iba't iba ang hugis. May hugis puso, hugis saging, hugis tala, at may... hugis kalmot ng pusa.

Napatingin tuloy ako sa aking kaliwang kamay, naroon pa rin ang peklat na aking nakita noon. Katakataka dahil halos isang linggo na ang dumaan subalit hindi pa rin ito nawawala. Sariwang-sariwa pa rin ang hitsura nito at mukhang kagagaling lamang dahil medyo bukas pa ito ng kaunti. Ngunit kahit na ganito ang hitsura ng sugat ay hindi naman ito masakit, sinubukan ko na itong paluin, kamutin, at lagyan ng tubig na may asin subalit wala akong naramdamang sakit mula rito.

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan, "Binibini, dumating na po ang pamilya Espinoza. Ipinatatawag na po kayo ng inyong ina." Si Belen pala iyon.

Isinara ko muna ang bintana saka nagtungo sa harap ng isang salamin upang tignan ang aking hitsura. Inayos ko muna ng kaunti ang aking baro't saya saka mabilis na naglagay ng kolorete.

Binuksan ko na ang pintuan at sabay kaming nagtungo sa sala ni Belen. Pagdating namin doon ay nakita kong nag-uusap na sina ina at tiya Priscilla, ganoon din si Don Herman at Don Venancio. Si Mateo ay nasa tabi ni Don Venancio at nakikinig sa kanilang usapan. At hindi naman kumikibo ang aking mga kuya dahil tahimik lamang sila.

"Kay tagal mong bumaba, Jasmin." Tugon ni kuya Jose nang tumabi ako sa kaniya. Napakamot naman ako sa ulo, "Ngayon lamang ako tinawag ni Belen. Hindi ko alam na kanina pa pala sila nakarating." Wika ko.

Nagtungo na kami sa hapag kainan upang maghapunan. Tahimik lamang kaming lahat na kumakain, hanggang sa nagsalita si Don Herman.

"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ko inimbitahan ang mga Espinoza," Saad niya sa amin. "Ibig ko kasi sanang pag-usapan ang nalalapit na pagiging isa ng ating pamilya. Nais kong pagplanuhan ang magiging hinaharap ng ating mga anak." Tugon pa niya, at nagulat ako nang tumingin siya sa akin. Agad naman akong napa-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Tama iyan, amigo! Dapat nating pag-usapan ang nalalapit na pag-iisang dibdib ni Jasmin at Mateo." Tugon ni Don Venancio.


Ano?!

Bigla akong nasamid dahil doon. Agad namang kumuha ng tubig si ina na nasa aking tabi at iniabot iyon sa akin. Nang makainom na ako ay nanlaki ang mga mata ko at gulat akong napatingin kay Mateo. Tila wala lamang iyon sa kaniya dahil nagpatuloy lang siya sa pagkain na para bang alam na niya ang patungkol dito.

"Ah, pasensiya na kayo. Hindi ko pa kasi nababanggit kay Jasmin ang tungkol rito." Saad ni ina na mas lalong ikinagulat ko. Alam na rin nila iyon? Ibig sabihin ay hindi nila sinabi sa akin ang tungkol pagpaplano nila ng sarili kong kasal?

"Jasmin, hija? Ano ang iyong masasabi sa nalalapit ninyong kasal ni Mateo?" Tanong sa akin ni Don Venancio. Naistatwa naman ako at tila biglang umurong ang dila ko. Napatulala na lamang ako kay kuya Jose na tila gulat na gulat rin.

"Don Venancio, marahil ay nabigla pa si Jasmin sa mga plano natin. Ngunit sigurado akong masaya siyang malaman iyon." Pagsasalita ni ina para sa akin. Nataranta naman ako, hindi ko pa ibig ikasal!

Agad naman akong nag-isip ng paraan upang matigil ang plano nila. Sabihin ko nalang kaya na nagdadalang-tao ako? Nako, baka mapahamak pa ang pamilya namin dahil doon! Ah-- sabihin ko kaya na ibig kong magmadre? Hindi, hindi ko nais na makulong at magsilbi sa simbahan.

Napakagat ako sa labi nang may pumasok na ideya sa aking isipan. Nagdalawang-isip pa ako kung dapat ko ba iyong sabihin o hindi, ngunit nang maalala kong ang katayuang sibil ko na pala ang nakataya dito ay naisip kong sabihin na lamang iyon.

"Patawad po, ngunit ibig ko pong pagsilbihan ang bayang ito sa paraang ipagtanggol ito mula sa banta ng mga mananakop. Ibig ko pong... magsundalo."

Sumpa Kita (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon