Kabanata Otso

60 5 0
                                    

"MATEO!"

Napabangon ako dahil sa labis na kaba at takot. Bigla kong naramdaman ang labis na pananakit ng ulo ko.

"Jasmin? Ayos ka lamang ba?" Tanong sa akin ni Mateo na tila alalang-alala. Nasa tabi niya ang mamang kausap niya kanina, maging ang ilang residente ay narito na rin at lahat sila ay tila nag-aalala rin para sa akin tulad ni Mateo.

Anong nangyari?

"Ah," Napahawak akong muli sa aking ulo nang maramdaman kong kumirot ito. Hindi ako makahinga ng maayos, pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang milya at ngayo'y hapong-hapo na ako. Ngunit, bakit ako nakahiga rito sa ilalim ng puno ng narra?

"A-Anong nangyari?" Tanong ko kay Mateo. Medyo nahihilo pa ako ngunit hindi ko alam kung bakit. "Bigla kang nawalan ng malay habang hinihintay ako na makabalik. Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong niya pabalik sa akin. "Oo, ayos lamang ako." Tipid kong sagot.

Hindi ko maunawaan kung bakit pero, tila may nangyari kanina na hindi ko maalala.

"Ah, Jasmin? Napaano ang iyong kamay?" Tanong ni Mateo sabay turo sa aking kaliwang kamay, napatingin naman ako dito.

Nagulat ako nang makita ang malalalim na marka ng tila matatalas na kuko ng isang nilalang. Sariwang sariwa pa ang sugat na ito at medyo nagdurugo pa. Saan ko na naman nakuha ito? Naka-upo lang naman ako dito kanina habang hinihintay si Mateo, imposibleng masugatan ako ng ganito.

Akin nang hinawakan ang sugat dahil sa pagkakaalala ko ay hindi naman ito sumakit noon, ngunit nang dumampi ang aking mga daliri sa bukas na parte ng sugat ay agad akong nakaramdam ng sakit. Sa sobrang hapdi nito ay napapikit na lamang ako ng mariin.

Kasabay ng sakit na aking naramdaman ay ang paglitaw ng isang alaala sa aking isipan,

"S-Sino ka?! Bakit ibig mo akong saktan?" Tanong ko sa babaing nakaitim. Napansin kong dumilim na ang kalangitan na kanina lamang ay napakaliwanag, katulad noong araw na namatay si ama.

"Tumubo na ang huling dahon... ito na ang katapusan!" Tili niya.

Nagulat naman ako nang biglang humangin ng napakalakas, at unti-unti itong bumuo ng isang ipo-ipo na tanging sa aming dalawa lamang umiikot. Sumabay ang ilang mga tuyong dahon sa pag-ikot ng hangin sa paligid namin na siyang lumikha ng nakakakilabot na tunog. "Nadie puede salvarte!" (No one can save you!) Sigaw niya. Agad naman akong nakaramdam ng pananakit ng ulo.

"Ano ang iyong ibig sabihin?" Pinilit kong magsalita kahit pa medyo sumasakit na ang ulo ko. "Nadie puede salvarte!" Pag-uulit lamang niya.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Nanghina ang mga tuhod ko at unti-unti akong napaluhod sa lupa.

Sumpa Kita (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon