I Love you first

1.3K 25 7
                                    

Jennie pov.

Nakayakap parin ako sa kanya ayokong bumitaw kahit ngayon lang gusto kong maramdam muli ang yakap niya.

Kung ako lang ay ayoko na malaman ni lisa ang totoo para saan pa pero totoo pala na walang sikretong hindi nabubunyag.

"Lisa im sorry. tanging nasabi ko habang umiiyak at nakayakap sa kanya.

Humiwalay siya at pinunasan ang aking luha.

"No jennie ako dapat ang mag sorry kasalanan ko ang lahat sinukuan agad kita kung nakinig lang ako kay seulgi dati na kahit anong mangyari huwag kitang sukuan.

"Lahat ng pinaramdam mo sakin noon tuwing magkasama tayo kahit hindi mo sinabi sakin na mahal mo ako  ramdam ko na mahal mo ako sana kinapitan ko yun pero hindi pinili kong umalis.

"Jennie mahal kita mahal parin kita akala ko nawala na pero hindi dahil kahit anong pilit ko sa sarili ko kalimutan ka at alisin sa puso ko hindi ko magawa.

Mas lalo akong umiyak sa narinig ko mula sa kanya mahal parin niya ako.

Hinaplos ko ang kanyang mukha.

"Mahal din kita hindi mo pa ako nakilala mahal na kita lisa.

Ngumiti siya sakin.

"Masaya ako malaman na hanggang ngayon ako parin ang mahal mo pero lisa hindi parin nawawala ma hindi tayo pwede.

Ang kaninang maganda niyang ngiti ay nawala dahil sa sinabi ko.

"Jen.

"Lisa huwag mong saktan ang taong walang ginawa kundi ang mahalin ka   taong kaya kang ipaglaban yun bumuo sayo nung panahon durog na durog ka.

"Ayoko may isa pang masaktan ayoko maramdaman ni  irene kung paano masaktan tama na yun ikaw at ako ang nasaktan.

"No jen ikaw ang mahal ko maintindihan ni irene kung ikaw ang piliin ko at kung hindi wala ako pakialam.

"Lisa please get married to her.

"Bakit mo to ginagawa jennie mahal natin ang isat isa hindi ba dapat tayo yun magpakasal.

"Were not meant to be lisa pinagtagpo lang tayo pero hindi tinadhana.
"Oo mahal natin isat pero paano ang magulang mo kahit kailan hindi nila tayo matatangap tanggapin na lang natin hindi talaga tayo para isat isa.

"Bakit lagi mo ako tinataboy jennie bakit hindi mo ako kayang ipaglaban sana naman ngayon piliin mo kung ano gusto ng puso mo piliin mo ako kasi ako kaya kong talikuran ang lahat  makasama ka lang. Mapait niyang sabi.

Umiling ako sa kanya.

"Para din sayo toh lisa alam ko matutunan mo rin mahalin si irene.

"Pakawalan na natin ang isat isa lisa. hindi ko na siya hinintay makasagot agad akong umalis.

Masakit dahil kailangan ko siyang saktan ulit dahil un ang kailangan kong gawin para sa ikakabuti niya.

Jisoo pov.

Iniwan namin ang dalawa para makapag usap hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nilang mag usap.

"Tahimik mo. tumabi sakin si rose.

"Ano kaya ang pinag usapan nila tingin mo after nito magiging ok ang lahat sa kanila. Sagot ko sa kanya.

"Lisa still engage to irene chu but i know she still love jennie so much at kung ano ang decision ni lisa suportahan na lang natin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap.

Ilang minuto lang ay lumabas si lisa bagkas sa mukha nito ang lungkot at sakit.

"Lets  go rose. mahina niyang sambit nagkatinginan kaming lahat masama ang pakiramdam ko hindi naging mabuti ang pag uusap nila.

Mabilis ako pumasok sa loob nadathan ko si jennie na humagulgul sa iyak.

Lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari.

Agad siyang yumakap sakin.

"Chu sinaktan ko na naman siya. umiiyak niyang sabi hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"Tahan na magiging ok din lahat.



""" hahahaha nakapag update din hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba toh. 😔 baka hindi niyo magustuhan ang ending.








I Love You First - Jenlisa X LisreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon