Chapter 9

0 0 0
                                    

--KRISSANDRA--

Bakasyon na ngayon at andito lang ako sa bahay, di kami naka out of town ni mama dahil masyadong busy ngayon, malling at kain sa labas ang tanging bonding namin, we're doing video call with my friends rin ,and they having good time sa vacation nila, nakakainggit TEAM BAHAY kasi ako ngayon.

I also miss Ollie nasa Cebu kasi siya ngayon para magbakasyon, di naman kami ganoon ka friends para magchat or mag video call tulad ng friends ko, at kahit nga face to face communication ones in a blue moon lang yun mangyari.

Two weeks na lang bago ang pasukan, excited na ako, excited makita si Ollie. Naisip ko tuloy si Ollie na miss niya kaya ako?, naiisip din ba niya ako minsan?. Ako kasi lagiii, malabo namang isipin ako ni Ollie, buti pa si Xiannele medyo close pa sila at may text and chats pa silang nalalaman.

Nakaramdam naman ako ng pagkainip sa bahay. Naisipan kung pumunta sa play ground ng subdivision, maganda kasi yung hangin dun lalo na ngayon.

Kasalukuyan na akong nakasakay sa swing, mga half an hour na ako dito.

" Dito ka lang pala"  pamilyar na boses ang narinig ko.

" Ollie!"  bakas ang pagkagulat ko, napatayo naman ako sa aking pagkakaupo.

" Pumunta akong bahay niyo, kaso walang tao dun, buti nga ay nakita kita dito"

" Lumabas kasi ako, nakakainip din kasi sa bahay" masayng tugon ko, parang gusto kong yakapin si Ollie ngayon.

" Pinapabigay ni mama, iniabot niya sa akin yung paper bag pasalubong niya yan sayo"

Puro pagkain yun.

" Wow ang dami naman neto" 

" Gusto mo bawasan ko"  pagbibiro niya.

Napatitig naman ako sa kanya, ngayon lang kasi nagbiro tong si Ollie sa akin.

Napangisi naman siya, at napa upo sa katabi kung swing.

" Corny ng joke ko no?"  sabi niya, kaya sabay kaming napatawa.

Dami naming napagusapan, about sa bakasyon niya, dami rin naming tawa,mukhang nagiging friends na kami ni Ollie

Naglalakad na kami pauwi.

" Sandra may nakalimutan pala akong ibigay"  may dinukot siya sa bulsa niya.

Inilabas niya yung kulay pink na bracelet.

" Binili ko to sa pinuntahan naming simbahan sa Cebu" 

" Ang ganda"  tanging sabi ko, ang ganda naman kasi e.

Kinuha niya yung kamay ko saka pinasuot yun.

" For protection daw to, kaya palagi mo tong isuot" saka siya ngumiti ng tipid.

" Thank you ha"  sabi ko habang nakangiti.

" Syempre, meron din ako niyan"  pinakita niya yung suot niya, kulay blue yung sa kanya magkaparehas talaga kami..

Naisip ko tuloy, mayroon na kaming couple na bracelet, kami nalang yung kulang.

Hanggang sa pagtulog ko dala ko ang ngiti sa labi ko, nagiging friends ma kami ni Ollie, noong una ay napaka imposibling isipin, pero ngayon eto na, sabi nga naman nothing is impossible.

Love You from the START and BACK.Where stories live. Discover now