---KRISSANDRA--
Maaga pa akong nagising at nag ayos, naglagay ako ng konting pulbos sa mukha, at konting liptint, para di masyadong halata na pinaghandaan ko talaga, nagpabango rin ako,yun yung strawberry scent kung perfume,,,halos ipaligo ko na nga.. HAHAHAH.
Pagkatapos ko mag ayos nag breakfast na rin ako, ang bilis ko nga kumain,,,excited kasi ako, bigla namang tumunog yung phone ko, isang message from messenger.
OLLIE: Sandra sorry di ako makakapasok ngayon, masama kasi yung pakiramdam ko. sorry talaga.
Nalungkot ako nang mabasa ko yung message galing kay Ollie,,pero mas nag alala ako sa kanya, kamusta kaya yung pakiramdam niya? ayos lang ba siya? tumunog ulit yung cellphone ko.
Ollie: Galit ka ba? bat di na nag reply.
Magagawa ko bang magalit sayo Ollie, kahit nga inaaway mo ako, at hindi pinapansin minsan, okay lang sa akin yun,,,,, tumunog ulit yung phone ko.
ollie: Hooyy! Seen lang?
Oo nga pala bat ba kasi hindi ako nagrereply,,,magtatype na sana ako ng message ng tumunog ulit yung phone ko.
ollie: galit ka ba?? joke lang, dito na ako sa labas ng bahay niyo, hintay kita dito.
Parang nalaglag naman yung puso ko sa tuwa sa message ni Ollie, kala ko kasi hindi talaga siya papasok ngayon,
Yes! this is it!
Dali dali akong lumabas ng bahay, malapit na ako sa gate, binuksan ko yun, hinanap ng mata ko si Ollie, pero walang ollie, baka naiinip na siguro sa kakaantay, kaya umalis na.
Yan tuloy Sandra,,,wala na..hayyss.
" Ang daya,,,sabi hihintayin daw, nangiwan naman" napanguso naman ako habang nag lalakad
Habang naglalakad ay may nakita akong 20 pesos.
" Jackpot!"
kukunin ko na sana pero nilipad ng hangin, nilapitan ko ulit saka pinulot, muli namang nilipad ng hangin, mga 3 times ko yung ginawa, at nung saktong nakakatyempo na akong kunin yun, akmang pupulutin ko na sana, ngunit nabaling ang paningin ko sa itim na school shoes, tinitigan ko yun pataas, nagning ning ang aking mga mata.
" OLLIE!" gulat kong sabi.
tumawa naman siya sa akin.
" Kunin mo na kanina mo pa yan hinahabol e" sabi niya.
Naalala ko yung 20 pesos, pinagtripan ba naman ako, nilagyan pala ng tali, kaya di ko makuha kuha.
Napatawa na rin ako sa ginawa niya, para kasi akong baliw.
" galing mo, naisahan mo ako dun" sabi ko sa kanya na nakangisi.
Napatawa na rin siya.
" Ang tagal mo kasi" sabi niya.
" Lagi naman aa" sabi ko kaya sabay kaming napatawa.
" Hoy, Ms. Late bakit di ka nagrereply, kala ko tuloy tulog ka pa"
" A..ano kasi nag brebreakfast ako non, sorry ha, kung natagalan ako" sabi ko.
" Ayos lang yun" --Ollie.
" akala ko nga nainip ka na sa kakaantay, kaya iniwan mo na ako" sabi ko.
" Pwedi ba yun, sanay na kaya ako mag antay" sabi niya.
" Tssskk..luh humuhugot siya, sige kung ako si Ms.Late ikaw naman si Mr. Abangers"
YOU ARE READING
Love You from the START and BACK.
De TodoMarami talagang bagay sa mundo na hindi natin mapaliwanag, tulad ng PAGIBIG, hindi natin alam kung kailan darating, hindi natin alam kung ano ang pinagmulan at nagsimula ang lahat at ang masaklap hindi natin alam kung hanggang kailan, minsan magigis...