Chapter 20

0 0 0
                                    

-----KRISSANDRA--

FRIDAY

BJU Teen Center

Nasa labas kami ng teen center kasama ko ang mga tropa ko na nag aasaran sa bench isa na si Lance ang kulit kasi, ginagaya gaya niya ang bawat galaw at pananalita ko, nakakinis tuloy.

" Kayong dalawa ipapakasal ko na talaga kayo"  sabi naman ni Jenny.

" Narinig mo ba yun baby girl? o ano Will you marry me?"  kalandian ni Lance.

" Yieeeeee"

" Sweet naman"

" sana all"

pang aasar sa amin ng mga kaklase namin.

" Ewan ko sayo, nakakainis ka, umayos ka nga diyan" inis kong sabi.

" Sagutin mo na kasi girl" pag uudyok ni Jenny.

" Ano ka ba babes diba,  mamayang gabi pa yun" sabi naman ni Josh.

" Ayaw ko gusto ko ngayon na, I say it again, Baby girl Will you  marry me" pag papacute pa niya.

" Baliw! isa pa talaga, bugbog aabutin mo"  warning ko sa kanya.

" Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako sinasagot" napanguso pa siya.

Hindi ko siya pinansin pa, ngunit patuloy parin siya sa pangungulit sinusundan ba naman ako kahit saan mag punta.

Nakita ko naman si Ollie na napasulyap minsan sa amin, at inaangasan naman ng tingin ng baliw na si Lance, loko talaga yun.

" Oo na! bwisit ka!" naiinis kung sigaw, kaya napangisi naman yung loko.

Narinig ko naman ang malakas na tilian ng mga kaklase ko.

kilig kayo,,,ako HINDI,,.

Bigla namang tumayo sa Haya sa kanyang pagkakaupo.

" Teka Laon saan ka pupunta?"  tanong naman ni Lance sa kanya.

" Wala kang pake!" singhal naman ni Haya sa kanya.

" Laon na nga, suplada pa tsssk." sabi naman ni Lance sa kanya.

inerapan naman yun si Haya.

" Punta lang akong reading section guys"  nakayukong sabi niya sa amin,sabay alis.

galit ba siya?

napatango na lamang ang mga kasamahan ko.

Hindi naman ako mapakali kaya sinundan ko siya.

nakasubsob ang ulo niya sa mesa.

" Haya?" sabi ko.

agad niyang iniangat ang ulo niya at nagpunas ng mga mata niya.

umiiyak siya.

" S-sandra nandito ka pala, ano kasi napuwing lang ako HAHA." sabi niya habang nagpupunas ng mata.

" Hindi ka okay" sabi ko sa kanya.

umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.

" Ha?  okay lang ako, ano kaba" saka pilit na tumawa.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

" Gusto mo ba siya?"

Nanalaki naman yung mga mata niya, nagulat siya sa tanong ko at hindi na siya nakapagsalita pa.

Love You from the START and BACK.Where stories live. Discover now