AUTHORS POV..
Uwian na at nagaabang si Ollie ng bus sa tapat ng school, hindi maiwasang magpalinga linga siya, na para bang may hinahanap.
" Kurt, nakita mo ba si Krissandara?" tanong niya sa kaklase.
" Nasa loob pa kasama niya si Lance"
" A sige salamat"
Maya maya pa ay dumating na si Sandra at Lance, hindi naman nila napansin si Ollie dahil maraming estudyante ang nagaabang ng sasakyan.
Agad namang nagpara ng taxi si Lance at pinagbuksan pa si Sandra ng pinto, sumakay silang dalawa dun habang sinundan lang ng tingin yun ni Ollie..
Hangang makarating sa kanilang bahay ay panay ang silip niya sa bintana ng kwarto niya, na para bang may inaantay sa labas.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita niya si Sandra at Lance na naglalakad,,, dali dali siyang bumaba at kinuha ang garbage bag na may lamang basura at lumabas sa kanilang bahay, nagtungo siyang basurahan para itapon yun.
Ngunit hindi inaasahang makita niyang masayang nagkukulitan si Sandra at Lance, maya maya pa ay nilapitan ni Lance si Sandra at niyakap... Ang mga pangyayaring iyon ay nagdulot ng lungkot kay Ollie kaya ibinagsak niya ng malakas ang dala niyang garbage bag rason para magingay iyon.
" Olliver!" - narinig niya ang boses ni Lance
Bahagya siyang lumingon.
" Andito pala kayo?" kunwaring gulat niyang tanong.
" Oo, hinatid ko si Sandra, ikaw anong ginagawa mo dito sa labas" tanong ni Lance sa kanya.
" Nagtapon lang ng basura,,pero papasok na rin " sabi niya saka itinuro pa ang gate ng bahay nila.
" A.. sige" -- Lance.
" Saan ba kayo nanggaling masyadong gabi na a? at baka nag aalala na si Tita Kristy sayo Sandra" tumingin siya kay Sandra
seryoso ang kanyang mukha pati na rin ang pananalita niya.
" Kumain lang kami sa labas" sabi nama. ni Lance.
" Oo, kumain lang kami, saka nag paalam naman ako kay mama, di naman yun magagalit dahil si Lance naman yung kasama ko" medyo nahihiya sagot ni Sandra dahil hindi parin ina alis ni Ollie ang tingin sa kanya.
" A ganun ba..sige pasok na ako " sabi ni Ollie saka naglakad patungong gate ng bahay nila.
Hindi pa siya tuluyang pumasok, ibinalik niya ang tingin sa dalawa na naglalakad patungo sa bahay ni Sandra.
Hanggang sa tuluyang magpaalam ang dalawa sa isat isa. Nakita niya pang naglalakad si Lance na nakangiti, na halata ang saya sa mga mukha nito.
...........END OF AUTHORS POV.........
---- KRISSANDRA---
Maaga akong pumasok para makasabay ko si ollie..
Oo tama ang narinig niyo MAAGA..Simula nang mag fourth year ako ay naging early bird na ako..charot..
I mean hindi na ako nalalate, dahil yun kay Ollie..kyaahhhh.Halos mag t-tatlong buwan na rin ang pasukan..matagal tagal din akong nag abang kay Ollie sinubukan ko rin na tawagan at e text siya pero wala akong natanggap na sagot galing sa kanya.
Baka walang load...o baka ayaw ka niyang kausap.
Magdadalawang araw na kasing hindi ako pinapansin ni Ollie, kahit sa school, at maging sa recess ay hindi na siya sumasabay, kahit magkasabay kaming umuwi at papuntang school lagi lang siyang naka earphone na para bang ayaw niya akong kausapin

YOU ARE READING
Love You from the START and BACK.
عشوائيMarami talagang bagay sa mundo na hindi natin mapaliwanag, tulad ng PAGIBIG, hindi natin alam kung kailan darating, hindi natin alam kung ano ang pinagmulan at nagsimula ang lahat at ang masaklap hindi natin alam kung hanggang kailan, minsan magigis...