Chapter 22 December Fest

0 0 0
                                    

--KRISSANDRA-

Siksikan ang mga sa tao ngayon at ung iba nag sisitakbuhan...syempre excited sila sa live performance ng December Avenue.

" Ayyy!"  napatili naman si Haya ng mabangga siya ng isang lalaki, rason para muntikan na siyang matumba.

Ngunit agad naman iyong nasalo ni Lance para hindi siya tuluyang bumagsak sa lupa.

" Ano  ba pare! minsan tumingin ka naman sa dinadaanan mo nakasakit ka kasi e"  naiinis na wika ni Lance sa lalaking nakabangga kay Haya.

" Sorry talaga, hindi ko sinasadya, pasensya na" pagpapauman hin naman ng lalaki.

Hindi parin maawat si Lance at mukhang maghahamon na ng away, agad naman siyang pinigil ni Haya.

" Lance, okay lang naman ako napahawak naman si Haya sa braso ni Lance kaya humupa ang init ng ulo niya.. sige na kuya, okay lang naman ako. sabi pa ni Haya sa lalaki kaya umalis na rin.

" Tssk"   naiinis na sabi ni Lance.

" okay na ako"  sabi naman ni Haya.

" Anong okay? muntikan ka nang matumba,  pano kung hindi kita nasalo, edi nabagok yung ulo mo sa lupa,,tssk kakainis!"  naiinis na nag aalala niyang sabi.

owwwss ang OA naman maka react..pero ganda ng lola Hayacinth niyo,,CONCERN kasi ang lolo niyo...yieee.

" Sorry kasi hindi rin ako nag iingat"  napangusong sabi ni Haya..

Hala...nag pa bebe rin..naku naku ha,,

" Hindi mo naman kasalanan yun,,kasalanan yun ng g*gong lalaking yun, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan niya" --Lance.

ahemm..ehemmm..

" Galit ka ba?"  napanguso na sabi ni Haya.

" Hindi! nag aalala lang ako sayo" inilayo niya naman ang tingin kay Haya at timingin kung saan saan..

yiiiiieeeee...di makatitig deritso sa mata...alam na..

Napayuko naman si Haya, at napakagat ng ibabang labi niya.

luhhhh...nagpipigil sa kilig yan,, siguro kung wala lang si Lance e,,, napatalon talon na yan.

" T-tara d-dun tayo"  pautal ni Lance..

Naglakad sila papunta sa nagkukumpulang tao,,,iniiwas naman ni Lance si Haya para hindi mabangga ng mga tao,,sobra pa siya sa personal body guard kung maka asta...

Yung couples of forever naman ay walang makakadaig sa sobrang sweetness, para na nga kaming lalanggamin dito, napaka caring kasi ni Josh,,kakainggit tuloy...sana ganun din kami ni Ollie..hayssss.

Maya maya ay nag start na silang mag perform..

First song is SA NGALAN NG PAGIBIG..

Second Song yung KUNG DI RIN LANG IKAW.

andami tuloy nakikisabay, alam na alam kasi nila ang kanta, gusto ko rin sanang sumabay kaso baka marinig ni Ollie yung boses ko..kakahiya..HAHAHA.

Bahagya ko siyang nilingon, nakapamulsa itong nakatingin sa stage,, kumikislap ang kanyang mga mata, ang matatangos niyang ilong, maninipis at kissable niyang lips BWAHHHH... ang gwapo niya sobra, kahit hindi masyadong maliwanag at nag aasul ang repleksyon ng ilaw tanaw na tanaw ko ang kagwapuhan ng lalaking to, at hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya..

Love You from the START and BACK.Where stories live. Discover now