Chapter 13

1 0 0
                                    

--KRISSANDRA--

Kakatapos lang ng third subject namin ngayong hapon which is Science 3:00-4:00, napag utusan ako ng teacher namin na dalhin yung mga module sa Science Department na nasa ika apat na palapag ng school. Pagdating ko dun, walang teachers na nandoon, may meeting kasi yung mga Science teacher ngayon, agad kong nilagay yung mga module sa shelf ng maayos, habang inaayos ko yun ay biglang nagsara yung pintuan ng silid.

Dali dali akong lumapit sa pinto, bigla kasi akong kinabahan, usap usapan kasi dito yung nagpaparamdam na white lady,,,,OMMMAYY takot ako sa momoo.....

Ilang beses kong sinubukang buksan yun, pero ayaw, na lock ako sa loob nagtaka nga rin ako kung paano nangyari yun.

" May tao ba diyan? paki bukas naman ng pinto" sigaw ko sa loob.

****SILENCE****

Nasa last period na kasi at malapit na ang uwian, kung kayat wala nang nagkaklase sa palapag na ito.

" Tulong! buksan niyo ako dito please"  sigaw ko, habang hinahampas ang pintuan ng silid.

***SILENCE**

Ilang beses akong sumigaw sa loob pero walang nakakarinig, walang tulong na dumarating, narinig ko naman ang pag ring ng bell, uwian na, kaya mas lalo akong kinabahan, wala nang estudyante, paano ako makakalabas.

" Tulong! Tulong! buksan niyo ako dito please"   naiiyak na ako.

Ramdam ko na ang pagdilim ng paligid, kaya binuksan ko yung ilaw, kinapa ko naman yung phone ko, pero wala, naiwan ko ata sa bag ko. Hindi ko alam ang gagawin, paano kung maiwan ako dito, natatakot ako sobra, umiyak nalang ako ng umiyak.

Mas lalo pa akong kinabahan, nang biglang na off yung ilaw, kinapa ko yung switch saka ilang beses kung e on at e off yun pero wala talaga, natatakot na talaga ako.

Sumigaw ako ng sumigaw para humingi ng tulong pero walang dumarating. Ang dilim dilim ng paligid, nanginginig ako sa takot, dagdagan pa ng kung ano anong mga tunog sa paligid na mas lalo kung kinatakot. Biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa white lady na nagpaparamdam...isiniksik ko ang sarili ko sa ilalim ng mesa, ipinikit ang mga mata at tiniis ang kagat ng lamok, mainit dun sa loob kaya mas nahirapan ako sa paghinga, takot na takot ako, nanginginig ang buong katawan ko.

............ AUTHORS POV..................

Nasa last period na nang klase ngunit wala parin si Sandra, naiisip naman ng mga kaibigan niya na baka napag utusan lang siya ng teacher nila, hanggang sa mag ring yung bell, uwian na ang lahat.

Napadako naman ng tingin si Olliver sa bag ni Sandra na nasa upuan parin niya, ibig sabihin hindi pa siya nakakauwi, naglakad siya palabas ng school at nag antay ng bus, nag aabang rin siya sa paglabas ni Sandra na baka na late lang nang uwi.

Maya maya pa ay dumating na ang isa sa mga kaibigan ni Sandra, si Hayacinth.

" Ollie nakita mo ba si Sandra, hindi ko kasi siya mahanap"   alalang tanong ni Haya kay Olliver.

" A..hindi e, pero yung bag niya nasa classroom pa"     ---Ollie.

" Kanina pa ako naghahanap sa kanya, hindi naman kasi ginagabi ng uwi yun, nasaan na ba kasi yung babaeng yun"  alalang sabi ni Haya.

" Natanong mo na ba sa ibang kaklase natin?" ---Ollie.

" Oo at ang sabi ay napag utusan siya ni Mrs. Madison, pero naka uwi na si Mrs.Madison, at anong oras na to mag gagabi na kinakabahan na ako Ollie" - napahawak naman ng ulo si Haya.

Love You from the START and BACK.Where stories live. Discover now