Chapter 15
MissIto ang araw ng alis niya. Gustuhin ko man na makita muna siya bago umalis, hindi pwede. May assessment kami sa isang subject at hindi ako pwedeng mag-ditch ng klase.
"Look girls!" Nagulat ako dahil isang grupo ng fourth year college students ang humarang sa gitna ng pasilyo para gumawa ng eksena. Kung hindi ako nagkakamali, it was Thea, one of the famous girls in school. She's popular with her family name, taga-kabilang bayan siya, sa Sta. Ines, anak ng isang mayamang negosyante.
Nagkumpulan sila at maraming nakiusyoso, isa na doon si Shane. Basta talaga tsismis, go lang siya ng go. Dumiretso na ako sa susunod kong klase at nakinig nalang, may mapapala pa ako.
"In fairness, sexy itong girlfriend ni Senyorito Kier ah? Saka, mukhang maganda." Kanina pa nakatingin si Shane sa cellphone niya at bumubulong-bulong pa.
"Ano ba 'yan Shane? Para kang bubuyog!" Sita sa kanya ni Dan.
"Sabi ko naman kasi sa inyo guys eh! Nag-aaral dito ang girlfriend ni Senyorito!" Sabi niya. "Oh tingnan niyo!" Kinuha ni Dan and cellphone niya at tiningnan iyon.
Kinabahan ako.
"Hindi naman kita ang mukha eh!" Si Justin na nakitingin na rin.
Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi naman pala nakita ang mukha ng babae.
Tumapat kay Max ang cellphone at tumagal sa kanya. Tumingin siya saakin at kinabahan ako kaagad. Ibinalik niya iyon kay Shane at muntik pang mahulog buti nalang nasalo ni Jake. "Hindi 'yan girlfriend ni Senyorito." Malamig na sabi niya.
"Ano ka ba naman Max! Mahal kaya ang bili ko nitong cellphone ko!" Pinandilatan niya ito ng mata. "Paano mo naman nasabi na hindi niya iyan girlfriend? Haven, tingnan mo!"
Tinapat ni Shane saakin iyon. Ako iyon! Hindi Kita ang mukha ko dahil nakatalikod ako sa camera, magkayakap kami at hawak-hawak ko ang isang tangkay ng rosas na bigay ni Kier.
"That's not me." Sabi ko.
"Hindi naman talaga ikaw 'yan! Pinapakita ko lang sayo noh!" Masungit na sabi niya saakin. What the heck!muntik na ako doon ah? "Look, I'm not saying na hindi ka maganda at sexy okay? Hindi lang talaga kagaya mo ang magiging tipo ni Senyorito. Sorry."
Tinawanan ko nalang siya. Kung alam mo lang Shane, kung alam mo lang.
He promised to call me when he got home and he did. Dalawang araw pa lang siya nandoon,nami-miss ko na siya. My phone rang and I immediately swipe the screen to answer him.
"Nakauwi ka na?" He ask. Damn! I missed his voice!
"Yes." Tipid na sagot ko.
"What are you doing? How's your day?" His voice seems so tired. Sasagot na sana ako pero nagsalita siya. "Elle, paki-dala nito sa finance department." Utos nito sa kung sino man. Wait... nasa trabaho pa siya? Maga-alas otso na ah? Anong oras ba siya umuuwi? Kumain na ba siya?
"Meeting po Sir, 10 minutes." Sabi no'ng babae sa kabila.
"Oo,susunod ako." Narinig ko ang pag-aayos niya ng mga papel at mukhang wala pa siyang balak na umuwi. May meeting pa siyang pupuntahan. "Haven, I'm asking you."
"I'm okay, Kier. Ikaw? What time ka uuwi? Kumain ka na ba? You seems so tired. Huwag ka na munang dumalo sa meeting na 'yan, magpahinga ka na-"
Humalakhak siya at bumuntong-hininga pa. "I'm tired, yes. But I already heard your voice, so I'm now okay."
Nambola pa. Letse ka Kier! I flipped on the other side of my bed, hindi ako mapakali.
"You're in bed now? You should rest, Haven."
"Yeah,later. Ikaw? Hows-"
"3 minutes, sir-sorry!" Paalala ng secretary niya. I heard his deep breath again. I can now picture his expression. I can see his lips pressed in a hard like, his eyes are now serious and dangerous, and his jaw were clenched. Oh, my Kier. Don't be like that.
"I'll call you tomorrow, Haven. Magpahinga ka na. Goodnight." I can sense that he's stopping himself from saying it.
"Kier? Kier? Hello?." Nawala nanaman ang signal. "Goodnight Kier." Bulong ko nalang. Ito rin ang problema dito sa probinsya, mahina ang signal. Dito lang ata sa Sta. Monica ang maayos-ayos ang signal, pero hindi naman madalas. Hindi katulad sa dalawang bayan, meron, pero mahina.
The next following days is kinda hectic. Malapit na ang sport fest pero bago 'yon, prefinals exam muna namin. Wala naman akong sinalihan sa mga activities ng school but I need to study. I need to maintain my grades. Hindi ako ganito dati, wala akong pakialam kung makakuha ako ng 2 o mababa pa diyan. But now, kailangan kong mag-aral ng mabuti. Successful na si Kier and I also want that. Hindi pwedeng siya ang bumuhay saakin kapag nagsama na kami-wait...why do I sound like I'm ready to be his wife?w. Why am I thinking this way this so early? I'm going crazy.
"It was you, right?" Nilingon ko si Max. Magkasama kami ngayon papunta sa next subject namin.
"Huh? What are you talking about?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa picture. Ikaw 'yon di ba?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung para saan.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."
"He's a playboy, Haven. Sasaktan ka lang niya!" Nagpipigil ng galit na sambit niya. "He's not the type of guy who's going to protect you from anything. Hindi kayo-"
"Shut up, Max. Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo." Tinalikuran ko na siya at hindi na nilingon pa.
This is the first time na nakikialam siya sa buhay ko. Alam ko naman na nag-aalala lang naman siya saakin bilang kaibigan, but I can handle myself. Kaya ko ito! If you love someone, you have to be ready for the pain it will cause to you. Ganoon naman talaga di ba? Masasaktan at masasaktan ka, but it depends on the both of you if you fight each other or fight together or not.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Kier doon kaya agad kong sinagot.
"Kier-"
"Nasa labas ako."
"What? Saan?" nnagulat at na-excite ako sa narinig. Umuwi na siya? "Wait... Pupuntahan kita."
Tumakbo ako palabas ng campus at dumiretso sa kabilang kanto kung saan siya madalas maghintay saakin. Nakita ko siyang nakatayo at may bitbit na bulaklak. Tinakbo ko agad ang maliit na distansya sa pagitan naming dalawa at niyakap siya ng mahigpit.
"Oh,baby... What happened?" He muttered a soft curse. I felt his chest heaved, like he enhaled for too long. Kinabahan ako, I don't know if it's because he's this close to me or because of something I failed to understand. "May problema ba?" Pag-aalala niya.
Bumitiw ako sa pagkakayakap. Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata. Suminghot ako at pinigilan ang nagbadya pa.
"Nothing,Kier... I just missed you... so bad."
Nilapit niya ang kanyang ilong sa aking pisngi. "You missed me that much, huh? I missed you too, baby." His hot lips kissed a bit of my cheek.
Tears pooled in my eyes,again. He wrapped his arms around me and kissed my forehead. "Let's go. Tapos na ang klase mo di ba?" Tumango ako bilang sagot.
"Bakit hindi ka muna magpahinga? Babalik ka pa ba sa Maynila?" Sunod-sunod na tanong ko ng makarating na kami sa apartment ko.
He's still in his office suit at mukhang kakarating niya lang at dumiretso na agad sa school. Nagluluto siya ngayon na para bang hindi pa siya pagod. Isang araw ang byahe galing Maynila at alam kong wala pa siyang pahinga.
"Tinapos ko na ang mga gagawin ko, kaya matatagalan pa ang balik ko doon. Don't worry." Sabi niya at pinatakan ako ng halik sa labi.
I'm longing for his kisses and I want more so I pulled his nape to kiss him harder and deeper. Before I could process anything, he started kissing my neck. It was your fault, Haven! Hindi ka makapagpigil!
"Wait, baby... 'yong niluluto ko." He chuckled before letting me go.
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomansaLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...