Chapter 8

210 94 21
                                    

Chapter 8
Jealous

Days passed. Tinipon ko lahat ng mga kabataan para sa panibagong activity na gagawin namin habang bakasyon pa. The Sangguniang Kabataan was formed to support the programs that aims to harmonize, broaden and strengthen all programs and initiatives of the local government.

Mayor already approved my new proposals kaya sinisimulan na namin. We are going to conduct different activities that was made to encourage youth involvement in public and civic affairs such as; Regular Clean Up Drive, Tree Planting, Distribution of Garbage Containers, Free Zumba Classes, Feeding Program, Free School Supplies and many more.

Nakapagsimula na kami last week pa, itutuloy lang namin ngayon.

Dala-dala ko ang isang malaking sako para mangolekta ng mga basura. Tumutulong lahat lalo na ang mga matatanda na. May nag-aayos ng mga sirang bakod, may nagwawalis, may nagbubunot ng mga damo at kung ano-ano pa. Nakakutuwang isipin na hindi alintana sa kanila ang init na dala ni Haring araw basta makatulong sila. Hindi naman sila nagrereklamo,bagkus,sila pa ang nag-volunteer.

Masaya ako sa ginagawa ko. I won't be here if I'm not. Hindi ko naman akalaing napapagaan nito ang loob ko, natutuwa ako kapag masaya sila. Sa pamamagitan nito,napapawi ang lungkot, galit at bigat na nararamdaman ko.

Pawis na pawis na ang katawan ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pangongolekta ng basura.

"Dumating na ba ang truck ng basura, Dan? Marami pang naka-tambak doon sa gilid. Bakit ang babagal niyo magtrabaho? Kit naman, marami pang aasikasuhin doon! Justin, mamaya ka na lumandi! Jake, kain ka ng kain, trabaho muna pwede? Jason, kanina ka pa diyan, tumulong ka doon!" Kanina ko pa naririnig itong si Shane na utos ng utos. Nandoon lang naman siya sa kubo,nakaupo. Naka-make up pa at hindi manlang napawisan.

"Ang pogi ni Senyorito!"

"Oo nga, ang sipag pa! Tumutulong siya dito kahit hindi naman na kailangan."

Hindi ako tumigil at itinuon lang ang pansin sa ginagawa. Ayokong magtanong kung bakit siya nandito. Hindi namin siya kailangan,marami na kami. Bakit hindi nalang siya magpahinga sa Hacienda nila, para hindi na siya tumulong at mapagod.

Akmang bubuhatin ko na ang sako nang may kumuha na nito sa kamay ko.

"Ako na. Kaya ko naman eh." Sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

"Hi Senyorito! Pwede po patulong?" Si Grace dala ang isa pang sako na kanina nakaupo lang naman siya, tapos may laman nakaagad?

"Sige na, tulungan mo na." Hindi ko naman talaga gusto na tulungan niya ang babaeng 'yon, eh, kasi alam ko naman na nagiinarte lang naman pero lumapit siya kay Grace at walang kahirap-hirap niya itong binuhat.

Umirap ako sa kawalan at hinila nalang ang dala ko. Mabigat at hindi ko kaya.

"Ako na." Biglang sumulpot si Kier sa harapan ko at binuhat ang dala-dala ko sa isa niyang kamay.

Tanaw ko ang malapad niyang likod. Pawisan siya lalo na at wala siyang suot na damit. Bakit ba ang hilig-hilig niyang ibalandra ang katawan niya sa lahat? Oo at maganda ang pangangatawan niya,pero hindi naman kailangan ipangalandakan sa iba.

Ramdam ko ang init ng mukha ko habang papalapit na siya sa akin. Dumako naman ang tingin ko sa mga babaeng malagkit ang tingin kay Kier. Pinandilatan ko sila ng mata kaya naman bumalik sila sa trabaho.

My eyes drifted again to Kier. Well, his body is well built, his muscles and his abs looks so good. Marami na akong nakilalang kasamahan ko sa modelling pero ngayon lang ako nakakita na ganito ang katawan. Parang lahat ng mabibigat,kaya niyang buhatin. Parang araw-araw siyang nagg-gym. Kung kailan umulan ng biyaya ang panginoon, nasalo na niya lahat. He's all damn perfect!

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now