Chapter 23

142 48 1
                                    

Chapter 23
Letter

"Oh?ginabi ka?" Bungad saakin ni Emma pagdating ko. Wala siyang pasok sa trabaho ngayon kaya nandito siya. Naabutan kong nag-aaral,she's now a third year college.

Hindi na ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil wala naman akong ipanggagastos. Magpumilit man si Tito Vince at Ninong Xander, ayoko din namang tanggapin dahil sobra sobra na ang tulong  ibinigay nila saakin.

"Nag-audition ako sa Runway eh." Sagot ko at sumalampak sa sofa.

"Kung wala ka ng pera,papahiramin kita. Nga pala, anong balita? Sino daw ang bagong may-ari ng bahay niyo?" Tumabi siya saakin at binigyan pa ng tubig.

"Ayos lang ako, Em. May pera naman akong naipon, i-save mo 'yan sa pag-aaral mo." Sabi ko at tinanggap ang tubig na bigay niya. "Hindi ko alam, hindi daw sila pwedeng magbigay ng impormasyon.

Saka, kahit naman malaman ko kung sino, baka hindi lang triple ang isingil saakin. Wala naman akong malaking pera.

"So, wala na? As in, give up ka na sa pagbili ng bahay at lupa niyo?" Hindi ako nakapagsalita. Parang ganoon na nga, Emz.

"Ikaw? Pumunta na naman ba dito ang Yaya mo?" Pag-iiba ko ng usapan. Tumigil siya at bumuntong-hininga.

"Kanina. Pero pinaalis ko rin naman kaagad,ang kulit eh sabi ko naman na hindi ako uuwi kapag hindi si mommy and daddy ang susundo saakin." Inis na sagot niya at tumayo na. "Naglinis pala ako kanina at nakita ko ang sulat na para sayo. Itatapon ko na sana dahil last last year pa pero baka kailanganin mo pa." Sabi niya bago tuluyang pumasok sa kuwarto.

Kinuha ko ang sinabi ni Emma na sulat para saakin,binasa ko iyon.

Dear Ms. del Valle:

I am pleased to extend an offer of employment on behalf of Centro Turistico del Valle. As discussed, we’d like to welcome you aboard in a full-time and exempt position. If you accept our offer, we anticipate that your first day of employment will be on Monday.

We look forward on welcoming you aboard. We are thrilled to have you join our team. Our company works hard to create a work environment that supports its staff that focuses on high-quality standards and services. We know that you’ll make contributions to our company that will help us meet our goals.

The Manager

Nagulantang ako sa nabasa. Sa pagkakatanda ko, tatlong taon na ang lumipas sa paga-apply ko sa dati naming Resort. Hindi ko alam na may sulat pala ang bagong may-ari saakin na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin. Shit! Bakit ngayon ko lang to nabasa?

Centro Turistico del Valle— that's what I saw in front of the resort in a big italicized letters. Sa ibaba naman ay nakasulat sa maliit na titik "resorts had begun long before."

Hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng mga paa ko. High School pa ako no'ng last na punta ko dito but the name of the resort remains the same. Akala ko napalitan na ng may-ari pero hindi.

Pumasok ako at dumiretso sa receptionist.

"Good morning, Ma'am. How can I help you?" Magalang na sambit ng babaeng naka-uniporme.

"Can I talk to the President of this resort?"

"May appointment po ba kayo ma'am?"

Suminghap ako. "Wala eh. Mabilis lang naman, I'll just talk to her."

"Sorry ma'am. May meeting po si Sir today. Makakapaghintay po ba kayo?"

Tumango ako.

Tinalikuran ko na siya matapos magpasalamat. I'll wait. Umupo ako sa lobby ng resort at pinamasdan ang paligid. Naghirap ang mga magulang ko para maitayo lang ang resort na ito. Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Kung pinagtuunan ko lang sana ng pansin ang pamamalakad ng resort na ito, sana kami pa rin ang may-ari. Ako sana ang nagpapatakbo nito ngayon.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now