Chapter 41
LigawTinalikuran ko na siya matapos kong sabihin lahat.
"Close the door." He said with authority bago ko pa man mabuksan ang pinto.
"W-what?" Lumingon ako sa kanya dahil sa gulat. Nakatalikod na siya sa akin at nakaharap sa bintana ng kwarto niya, nakapameywang.
At bakit? Paano kung maabutan kami dito ni Eva? O kaya ng pamilya niya? Ano nalang ang sasabihin nila sa akin? Na mang-aagaw ako? Tapos na ako magpaliwanag. Nasabi na niya rin sa akin ang hinanakit niya, so ano pa ang gagawin ko dito?
"Close the door when you leave."
Napangiwi ako at padabog na nagmartsa palabas.
Pagkauwing-pagkauwi ko, dumiretso ako sa banyo at naligo. Para akong inaapoy sa sobrang init ng katawan. Hindi ko na rin napatuyo ang buhok ko at sumalampak na ako sa kama at binalot ang sarili ng kumot. Kahit naka-jacket at pajamas na ako, hindi pa rin ako nilubayan ng lamig.
Pakiramdam ko galing ako sa karera dahil sobrang pagod na pagod ako. Mainit ang buo kong katawan,maging ang aking hininga. Paulit-ulit din ako sa pag-ubo at pakiramdam ko, sugat na ang lalamunan ko. Hanggang sa unti-unti ko ng ipinikit ang pagod kong mga mata.
"Haven...wake up, baby..." Nagising ako dahil sa marahan na haplos sa pisngi ko. Ipinikit kong muli ang mga mata dahil parang umiikot ang paligid ko.
"I... can't..." Tanging nasabi ko at hinila ang kumot pataas sa leeg ko. Nilalamig nanaman ako.
"You need to eat, Haven. Please, baby...."
His voice sounds familiar. Isa lang ang kilala kong tumawag sa akin ng 'baby'. And it's...
"Kier..."
"Yes, Haven. I'm here." Sinubukan ko ulit buksan ang mga mata ko para masiguradong si Kier nga siya. And I'm right. It's him!
Inalalayan niya akong makaupo ng maayos at sinubuan ng mainit na sabaw. Hindi ko siya nilubayan ng tingin. If this is a dream, please, I don't want to wake up. Miss na miss ko na siya. Hinaplos niya ang pisngi ko kung saan may lumandas na luha doon.
"Don't cry, baby. I won't leave."
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Pero paggising ko, medyo nahihilo pa ako pero hindi na rin ako nilalamig.
Nakaramdam ako ng bigat sa aking mga hita at kamay na nakapulupot sa aking bewang. Mabilis akong dumilat para makita kung sino ang katabi ko at gano'n nalang ang gulat ko ng makita si Kier. Ang himbing ng tulog niya. Hindi ako nananaginip! Totoong nandito nga siya at siya ang nag-alaga sa akin?
Napangiti ako at hindi ko na siya ginising pa. Hinaplos ko ang dibdib niya. Gumalaw siya ng bahagya at mahigpit akong niyakap.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na akala niya aalis ako. Nakaramdaman ako sa yakap niya ng matinding galit at pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng sakit sa yakap niyang ito. Niyakap ko din siya pabalik. Sa ilang taon naming pagkakahiwalay, ngayon lang ulit kami nagkayakap ng ganito. I feel safe. It feels like...home.
I'm home, again.
Pumatak ang luha sa aking mga mata. Nanghihina at nanginginig ako pero nanatili ang higpit ng yakap ko sa kanya.
"I'm sorry, Kier." Bulong ko.
Dumilat ang kanyang mga mata at nagkatinginan kaming dalawa. His eyes captured mine, mapupungay iyon. I smiled at him then his eyes dropped on my lips and back again into my eyes. Nanatili ang mga mata niya sa akin.
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomanceLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...