Chapter 1

406 123 44
                                    

Chapter 1
Dangerous

"Kamusta ang exam, guys? Nahirapan kami eh! Di ko alam kung makakapasa ako!"  Problemadong sabi ni Jake habang kakamot-kamot pa ng ulo. Naka-bukas nanaman ang dalawang butones ng puti niyang uniporme na palagi kong napapansin sa tuwing nam-mroblema siya lalo na pagdating sa exam.

"Anong 'kami'? Nandamay ka pa eh, ikaw lang naman ang nahirapan. Ang dali-dali lang kaya ng exam!" Si Dan na gulong-gulo na ang maitim niyang buhok. "It was a piece of cake!" Pagmamayabang niya at pinakita pa ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin kasabay ng malalim niyang dimples.

"Tumigil na nga kayong dalawa, pareho lang naman kayo eh." Saway sa kanila ni Jason na kanina pa halos mahulog na ang salamin niya sa mata kasabay ng pagsara niya ng librong binabasa. As expected from a typical genius SK Kagawad.

"Mga pre! Kamusta ang exam? Tapos na rin naman ang finals at malapit nanaman tayong maging busy sa darating na pista, hindi ba tayo mags-celebrate?" Masiglang sabi naman ng kadarating lang na si Justine kasama si Kit na palaging walang dalang bag kapag pumapasok at si Max na seryoso ang mukha na para bang palaging naghahanap ng kaaway, badboy na badboy ang dating.

Tumabi si Max sa akin at pabagsak na nilapag ang bag niya sa lamesa. Tumingin ako sa kanya at nakita ang magkasalubong niyang kilay. His badboy aura is very evident and seems like he's ready for a massive fight. His fist were clenched and he is holding his temper na malapit nang mapigti.

"Problema mo, pre? May nakaaway ka? O naghahanap ka ng kaaway?" Ngingiti-ngiting biro ni Dan pero mas lalo pa atang lumala dahil binigyan siya nito ng malalim na tingin.

"Hi guys!" Bati ni Shane na kadarating lang at tumabi naman kay Max at sinukbit pa ang braso sa dito na agad naman nitong hinawi. As usual, makapal na naman ang make-up at pulang-pula ang labi nito. She has a slender curve, a plump lips and most especially her long black straight hair na mas lalong nakakapagpaganda sa kanya. She's popular here in School, cheerleader din, at sumasali sa mga beauty pageants.

Days passed like a whirlwind. Hindi ko namalayan na tapos na ang finals namin for the first semester at naghahanda na rin kami para sa darating na pista. These people in front of me are my Council. Tito Vince introduced me as his niece just to hide my true identity. I don't want to lie to them but this is for my safety.

The first time I met them, they are busy preparing for the town feast day 2 years ago. It’s so amazing to find out that such youth would be so active doing things like that specially I don't see that kind of activities most of the time. I've never seen like that and I've never been into a public social gatherings like fiesta. I used to spend my time drinking and dancing on a bar, shopping, clubbing and modelling, my usual hobbies. Doon lang umiikot ang mundo ko, minsan umuuwi ako sa bahay ng madaling araw, at hindi na rin pumapasok sa eskwela.

Iniwan ko na sila dahil may mga gagawin pa sila for the final projects. Umuwi muna ako at nagbihis para sa meeting mamaya sa Munisipyo para pag-usapan ang darating na pista. I wear my usual fitted black pants and white shirt na may printa sa likod na 'SK Chairman' kalakip ng logo nito. I just let my natural coffee-black wavy hair down and put my phone on my pocket.

Kung dati sanay na sanay akong magdala ng kahit maliit na body bag kapag umaalis, ngayon hindi na. Wala naman na akong make-ups o kahit na anong pang-kolorete sa mukha para ilagay doon gaya ng dati. At wala na akong balak na gumamit ng mga iyon.

"Munisipyo, Chairman?" Saktong napadaan si Mang Diego, isa sa mga Kagawad ng Barangay namin.

"Opo, Mang Diego."

Matapos kong isara ang apartment na binili ni Tito sa akin, sumakay na ako ng tricycle. I can't help it but to reminisce how this place taught me how to be independent, to be bolder and stronger, and to solve even a small problem. Funny how I can solve such problems in this town but I can't solve my own. Tinawanan ko na lang ang naisip.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now