Chapter 16

177 65 20
                                    

Chapter 16
Sacrifice

Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan. Linggo ngayon at nandito ako sa Munisipyo. Pansin ko lang, hindi na ako inuutusan ni Ninong na pumunta sa Hacienda para magpapirma. Siguro naman naiintindihan niya na busy na ako sa pag-aaral. Wala na tuloy akong maidadahilan para makapunta doon.

"Trina, dalhin mo ito kay Don Manuel at papirmahan-" Akmang ibibigay na ni Ninong ang mga papel kay Trina, na sekretarya niya pero kinuha ko iyon.

"Ako na Ninong. Baka may iuutos ka pa kay Trina, so let me bring these to Don Manuel." Agap ko.

He looked at me in a serious manner, naninimbang.

"Ibigay mo sa kanya, Haven. Hindi ka pupunta doon." Seryosong sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang pabayaan nalang kay trina ang mga 'yon.

"What's going on with you and Senyorito Kier, Haven?" Seryosong tanong ni Ninong nang makalabas na si Trina.

"P-po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Medyo kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Pinagmasdan niya ako. "I just don't want you to get hurt. You know his reputation with girls,hija. Ayokong mapabilang ka sa mga babaeng-"

"I don't know what you're talking about, Ninong. Saka okay lang po ako, I won't get hurt." I denied again.

He took a deep breath. "Stay away from him, Haven. He's going to hurt you, not now, but...soon."

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Ninong. He's just protecting me, I know. Parang may alam siyang hindi ko alam. May gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. He's like a puzzle so hard to solve. Iwinaksi ko nalang iyon sa isipan.

Today is the start of school's intramurals. Busy lahat ng estudyante para sa pagp-prepare sa event. Wala naman akong sinalihan kaya maaga akong umuwi. Dumiretso ako sa Munisipyo baka sakaling may iutos si Ninong pero wala siya pagdating ko.

Tinanong ko si Trina kung may inutos sa kanya at kung sinuswerte ka nga naman,babalik siya sa Hacienda ngayon para kunin ang mga dokumentong pinpirmahan niya. Nagprisinta ako na ako na ang kukuha, ayaw niya sana pero dahil marami pa siyang gagawin, pumayag din naman agad. Huwag lang daw malaman ni Ninong, ayaw niya kasi.

"Hi!" bati ko sa dalawang sekyu ng Hacienda. Lumabas sila agad at pinagbuksan ako.

"Hi ma'am!akala namin,hindi ka na babalik dito. Isang buwan na rin no'ng huli mong bisita." Sabi nila.

"Medyo busy kasi eh. Teka...nandiyan ba si Don Manuel?"

"Oo ma'am, nandito. Pasok po kayo!"

Binati ako ng mga kasambahay pagpasok ko. Tinuro nila kung saan si Don Manuel, kasama si Kier at nasa sala sila.

"You should go back to Manila, Kier. Kinukulit na ako ng mommy mo na pauwiin ka. Tinatanong ako kung bakit hindi ka na mapirmi doon. Nag-away ba kayo?"

Napaatras ako dahil nag-uusap ang mag-lolo. At mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Ayoko naman makinig pero hindi ko mapigilan.

"Hindi kami nag-aaway, Lo. Tinapos ko naman na ang trabaho ko doon, kaya wala na silang dapat problemahin, saka bakit hindi nila pauwiin si Tiller para tumulong?" Simpleng sagot ni Kier na para bang wala lang sa kanya.

"You know that he's not into business, he's into medicine. He's still taking his degree at ikaw ang magmamana ng negosyo, inaasahan ka nila doon, apo. Bakit nga ba nandito ka pa? Huwag mong idahilan ang project mo dito dahil matagal pa iyon sisimulan."

Bago pa man makapagsalita si Kier, naglakad na ako palapit sa kanila. Gulat na gulat ang itsura niya habang nakatingin saakin. Tumayo siya at nilapitan ako.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now