Chapter 13

170 81 14
                                    

Chapter 13
Girlfriend

Always remember, it has to be dark for the stars to appear. I will let myself happy now even if it means it will break me. I got lots of exes before, but I never felt this way. It feels like... Home.

"Sasamahan kita magpa-enrol bukas, ayos na ba ang mga requirements mo?" Malambing niyang tanong habang yakap-yakap niya ako. Hindi pa rin kami umaalis dito sa sofa,hindi niya ako pinapakawalan.

"Hindi na kailangan Kier, kasama ko si Max bukas." Sabi ko naman. Hindi siya nagsalita pero hindi niya tinitigil ang paghaplos ng buhok ko.

Ilang minuto pa, hindi na ulit siya kumibo kaya umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Magkasalubong ang kilay niya. His lips protruded, his dark eyes darkened more, his nose redened, his jaw clenched. He's really perfect.

"Kier..." Tinawag ko siya sa isang malambing na boses. I also caressed his massive chest that makes his breathing hitched.

Mataman siyang tumingin sa akin na tila hindi kontento sa kung anong ipinapakita ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko pala kaya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sakin, nagpipigil.

"Stop teasing me, Haven."

"Why? Are you teased?" Biro ko.

Ilang minuto pa kami na ganoon ang posisyon, hanggang sa nagpaalam na siya. Hinatid ko siya sa labas at madilim na pala. I can't explain how happy I am today. Basta, masaya ako.

"Thank you, Miss." Galing kami ni Max sa Accounting para magbayad ng entrance fee for the second semester. Nakapag-enrol na rin kami kaya wala ng problema. We're heading to our school's cafeteria now, nandoon kasi ang iba pa naming kasama na naghihintay saamin.

"Hi, Haven!" Bati ni Julius saakin kasama ang mga kaibigan niya. Julius Tuazon is one of our school's varsity players, he's famous because of his handsome looks, matangkad at galing sa mayamang pamilya. He was one of my suitors but I told him I can only offer friendship. Hindi naman nagbago ang tungo namin sa isa't-isa, we're friends after all.

"Hi." Bati ko naman sa kanya.

"Nakapag-enrol ka na?"

"Oo, katatapos pa lang. Kayo?" Turo ko sa mga kaibigan niya na kumakaway saakin.

"Magpapa-enrol pa lang. Galing kami sa practice, for the intrams." Sabi niya.

"Oh! oo nga pala, malapit na ang sport fest. Good luck!"

"Let's go, Haven." Hinila na ako ni Max palayo doon pero tinawag ako ulit ni Julius.

"Haven! Manonood ka ba?"

"Oo, Julius! Manonood ako!" Sabi ko at ngumiti.

"Di ba binasted mo na 'yon? Nanliligaw ba ulit?" Tanong ni Max ng makalayo na kami.

"We're friends, Max. That's all."

Natanaw na namin sina Jake kaya lumapit kami sa kanila. Nauna na silang magpa-enrol saamin kahapon pa. May dalawang subjects na magkakasama kami pero 'yon lang. Si Shane at Max kasama ko sa tatlong subject.

"May sinalihan na ba kayong Org? Ikaw Max, saan ka ba nagpalista?"

"Wala." Tipid na sagot nito kay Justin. Sungit nanaman niya.

"What about you, Haven? Ako? As usual, I'm still the cheerleader at sasali din ako sa theater arts baka ma-discover ako!" Si Shane na naglalagay ng make up sa mukha.

"Wala din. Manonood nalang ako." I answered.

Hindi naman talaga ako active sa mga ganitong activities ng school kahit noon. Mas gusto ko pa na sumama sa mga gig, photoshoots and fashion show, mas mage-enjoy pa ako.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now