Chapter 12
In loveI'm watching the kids having fun under the rain. Nandito ako sa hamba ng pintuan ng apartment ko, tinatanaw sila. I wonder how it feels playing under the rain. Kung sana nabubura ng ulan ang kahit anong sakit na nararamdaman ko, matagal na sana itong nabura.
"Ate? Gusto mong sumali saamin?" Tatlong batang babae ang nasa harapan ko ngayon. Hawak-hawak nila ang mga kamay ko. They are inviting me to join with them.
"Sige ba." Masayang sabi ko naman at nagpahila sa kanila.
"Si ate Chairman, sasali sa atin!" Sigaw nila sa dalawang lalaking nasa gitna ng daan.
Hindi ko na pinansin ang lamig dulot ng ulan at hangin. For once, I want to be a child again. I never been playing in the rain in my entire life. Hindi ko naranasan na maglaro sa labas, makipaghabulan, o kahit na ano no'ng bata pa ako. Lahat ng first time ko, dito ko naranasan sa probinsya.
"Taya!"
Nakipaglaro ako na parang bata. Masaya pala. Noon kasi, pinapanood ko nalang tumulo ang ulan dahil ayaw ni mommy na lumabas at magtampisaw baka daw magkasakit ako.
But now, I didn't know how happy it is. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. This is why I love rain most especially when I'm crying, because when I do, no one can see the pain.
Kung andito lang sana ang kapatid ko, malaki na din sana siya katulad ng mga batang ito.
Hindi ako umiiyak sa harapan ng ibang tao. Just because my eyes don’t tear doesn’t mean my heart doesn’t cry. And just because I'm strong outside, doesn’t mean there’s nothing wrong. Wala naman nakakapansin kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak.
"Taya!"
"Ate Chairman, ikaw na ang taya!"
Tumakbo sila palayo saakin kaya hinabol ko naman. Tumigil lang ako ng makitang nakatayo sa harapan ko si Kier, may dalang payong. Galit ang nakikita ko sa kanya ngayon. He's wearing white t-shirt na hapit na hapit sa katawan niya, nagayon ko lang din nakita na iba ang suot niya. Kahit ano naman, bagay sa kanya.
"K-kier?"
"Bakit ka nagpapaulan? Baka magkasakit ka,Haven." He cares. I know he cares.
Ngumiti ako sa kanya. "Mga bata, sasali si Senyorito oh!" Tawag ko sa kanila.
"Haven." Pigil nito sa akin.
"Senyorito!"
"Senyorito, sasali ka rin?"
Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig saakin, pero unti-unti namang nawala at napalitan ng ngiti. Itinabi ang payong na dala at nakisama na rin sa amin ng mga bata.
"Sige ba. Basta ang ate niyo lang ang hahabulin ko." Then he smirked. Sinundan iyon ng hagikhikan at panunukso ng mga bata saaming dalawa.
Why do I find it a bit wrong?
"Uy si Senyorito at si Chairman!"
"Gusto mo po ba si Chairman, Kuya? Yieee!!"
"Ikaw ate? Gusto mo din ba si Senyorito?"
"Bagay naman kayo eh. Yiiee!"
Nagkatinginan kami. I really wish I could read his mind. Napakahirap intindihin.
Matapos ang ilang oras na paglalaro, tinawag na ang mga bata ng kani-kanilang mga magulang. Umuwi na rin ako kasama si Kier. Nakapasok naman na siya sa apartment ko pero naiilang pa rin ako.
"Umuwi ka na kaya Kier. Wala akong mapapahiram na damit sayo."
"I will, later. Nagpakuha na ako ng damit at pagkain na rin." Sabi niya habang nagpupunas ng katawan. Hindi ako makatingin ng diretso dahil wala siyang pang-itaas ngayon.
Naligo na ako at dumating na rin ang pinakuha niyang damit at pagkain sa mansyon. Ako na ang naghanda no'n at naligo na rin siya.
"Ayos ka lang ba dito? Nilo-lock mo ba ito ng maayos?" Tanong niya habang in-exam-in ang lock ng pintuan ko.
"Kain na tayo." Pagbabalewala ko sa tanong niya.
We're eating silently pero nararamdaman ko ang mga sulyap niya sa akin. Ramdam ko rin na marami siyang gustong itanong but he just shut his mouth off. Ayaw kong malaman niya ang lahat, kaya nagpapasalamat ako dahil hindi naman niya ako pinipilit magsalita.
"Let me wash the dishes, Haven." Presinta niya kaya hinayaan ko na lang. It amaze me knowing that he knows how to do dishes. Mas maa-amaze pa ako kung malaman ko na marunong siyang magluto.
"Marunong ka bang magluto?" Hindi ko na napigilan na tanungin siya.
"Yes." Sagot niya. Tapos na siyang maghugas at tapos narin ako sa paglilinis ng lamesa. "What do you want me to cook for you, then?" Tanong niya ng nakataas ang kilay. Naghahamon.
"Yabang mo!"
He chuckled. "Anong mayabang? May ipagmamayabang naman ako ah?" Sabi pa niya at sumunod sa akin sa sala.
"Oo na. Alam kong wala kang hindi kayang gawin." Bulong ko at natawa.
"What?"
"Wala. Anyway, nandiyan pa ba ang mga kaibigan mo? Ei Lance?" I asked him. Dumilim nanaman ang itsura niya. Seloso!
Tumabi siya saakin filling all the spaces between the both of us. Wala na akong iaatras pa.
He held up my chin and intenly looking at me.
"W-what are you d-doing?"
"Simula ngayon, makikialam na ako sayo kaya simulan mo na rin makialam sa buhay ko, I don't mind, Haven." Kumalabog ang puso ko dahil sa sayang nararamdaman.
"Kier..."
"I want to know more about you and I'll tell you mine. I want to protect you." He continued. "I wanna be your weakspot, baby." Bulong niya saakin.
Sumandal ako sa dibdib niya. I want to feel this moment. I feel the butterflies wriggling on my stomach. Nagsasaya sila katulad ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.
"I want to ask, Haven."
"Hmm?" Tired to talk.
"Akin ka ba?" I didn't speak. Kahit hindi ko sabihin,Kier. "Haven, answer me." napapaos niyang sabi. Ano ba itong mga sinasabi mo Kier? Mahal mo ba ako?
"Bakit Kier? Akin ka ba?" Balik ko sa kanya. Hinarap niya ako at pumungay ang kanyang mga mata.
"Yes, Haven. I'm yours." Walang pag-alinlangan niyang sagot. "Now, you tell me. Akin ka ba?"
Tumango ako bilang sagot. "I wanna hear you say it, baby." Sabi niya sa napapaos na boses.
Humarap ako sa kanya ng tuluyan. "Oo, Kier. Sayo ako." Then I give him a peck on his lips. "Sayo lang ako."
"If you're mine, Haven, you're only mine. I don't like sharing. Do you understand?"
"I don't have a choice." Natatawang sagot ko naman.
Maybe, just a little...I could possibly be... falling for you, Kier. Pero mamamatay muna ako bago ko aminin sa kanya iyon. I thought I wouldn't feel this way again. I thought I'm not going to love again after everything what happened to me.
And all these time, I thought my feelings already washed away by the waves, but now, I'm here!
In love...with him.
"Here’s my heart, Kier and I’ll let you break it." Sabi ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomanceLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...